PAGSUSULIT sa Modyul 1: KABUTIHANG PANLAHAT
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
MABUHAY!
Panuto:Basahing Mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang pinakaangkop na sagot. Maaring ilagay sa "comment box" ang iyong pangalan, taon at pangkat at ang iyong nakuhang marka sa iyong pinaka-unang pag subok sa pagtataya
Salamat:-)
PAUNANG PAGTATAYA
_wag kalimutang mag follow para sa mga susunod na pagtataya_
<3 Teacher Maita:-)
PAUNANG PAGTATAYA
Quiz
- Ano ang tunay na layunin ng lipunan?
- Kapayapaan
- Kabutihang Panlahat
- Katiwasayan
- Kasaganaan
- "Huwag mong itanong kung ano ang magagwa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa." Ang mga katagang ito ay winika ni:
- Bill Clinton
- John F. Kennedy
- St. Thomas Aquinas
- Aritotle
- Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng pilosopiya sa Ateneo de Manila University,Binubuo ng mga tao ang lipunan at binubuo ng lipunan ang mga tao. Ito ay nangangahulugang:
- Ang tao ang gumagawa sa lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
- Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pagsilang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya; binubuo ng lipunan ang mga tao dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
- Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao.
- Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil ang nagpapalago at nagpapatakbo dito; binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaganapan ng kaniyang pagkatao.
- Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:
- Pagkait ng tulong para sa kapuwa na nangangailangan.
- Pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.
- Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang aiaambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
- Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad.
- Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:
- Mali, dahil may mga pagkakataong ang tao ang nagnanais na makapag-isa
- Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamumuhay
- Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa
- Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan
- Ano ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad?
- Sa lipunan, ang namumuno ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komunidad, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
- Sa lipunan, ang nangingibabaw ay ang iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagbubukod-tangi ng mga kabilang nito.
- Sa lipunan, mas malaking pamahalaan ang nasasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.
- Sa lipunan ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin, at pagpapahalaga, samantalang sa komunidad, ang namumuno ang nagbibigay ng direksiyon sa mga taong kasapi nito.
- Ang sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:
- Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat
- Kapayapaan
- Katiwasayan
- Paggalang sa indibidwal
- Kalayaan at pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig sa lipunan. Ang pangungusap ay:
- Tama, dahil ito ay inilalaan na makamit ng tao sa lipunan ayon sa Likas na Batas.
- Tama, dahil ito ang mahalaga upang mangibabaw ang paggalang sa mga karapatang pantao.
- Mali, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihan ng bawat indibduwal at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat.
- MAli, dahil sa kalayaan, masasakripisyo ang kabutihang panlahat at sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihan ng Indibidwal.
- Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibidwal. Ang pangungusap ay:
- Tama, dahil mahalagang makiayon ang makiayon ang bawat indibidwal sa layuning itinalaga ng lipunan.
- Mali, dahil may natatanging katangian at pangangailangan ang bawat isang indibidwal.
- Tama, dahil sa pagkakataon na ganito lamang matitiyak na makakamit na makakamit ang tunay na layunin ng lipunan.
- Mali, dahil ang bawat indibidwal sa lipunan ang nararapat na nagtatakda ng mga layunin.
- Ano ang kabutihang panlahat?
- Kabutihan ng lahat ng tao.
- Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan.
- Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
- Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito
- Kunin ang link
- X
- Iba Pang App
Mga Komento
9-I
10/10