This Blog has been re-created to help my students with their ESP 9 (Edukasyon sa Pagpapakatao-9) lessons. This is to promote dynamic learning to students who are facing great learning challenges caused by the Pandemic. I will also include random learning activities and worksheets from other subject field. Thank you.
love: T'Maita
Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa pangungusap sa ibaba?
a. Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain. b. Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib. c. Maging mabuting halimbawa sa pagsasabuhay ng mga birtud. d. Pag-iwas sa eskandalo
Karapatan sa buhay.
Karapatang magpakasal.
Karapatang pumunta sa ibang lugar.
Karapatang maghanapbuhay.
Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?
Karapatan sa buhay.
Karapatan sa pribadong ari-arian.
Karapatang maghanap buhay.
Karapatang pumunta sa ibang lugar.
Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
" Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan, bahay, sa trabaho, o sa pamilya, sa kultura- ay labag sa katotohanan ng isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol nang may mataas na antas na determinasyon. (Pacem in Terris)
Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.
Isang panloloko at labag sa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa abosyon.
Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang mga batas at plano na nagtaguyod ng paglabag sa karapatan sa buhay.
Pangunahing karapatan sa buhay.
Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?
karapatan.
Isip at kilos-loob
kalayaan
Dignidad
Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
Hindi maaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makakagawa ng moral na kilos.
Ano ang buod ng talata?
" Ayon kay Scheler, Kailangan hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad ding ng pamayanan, pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagkatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng batas."
Mahahalaga ang pananagutan ng indibiduwal na maging mabuting mamamayan.
Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamyang hindi tumutupad ng tungkulin.
Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibiduwal ang kaniyang sarili.
Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat sa karapatan sa buhay?
Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain.
Nagpatayo ng bahay-ampunan si gng Rayz para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
Sumasali si Danilo sa mga isports na mapanganib tulad ng Car Racing.
Nagsimula ng Soup Kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.
Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinapakita ng tauhan?
"Si Aling Cristal, 75 taong gulang, ay naninilbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing matanggap niya ang kaniyang pensiyon mula sa Social Security, naglalakad siya ng higit isang milya upang ibigay niya ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan(tithing). - Kier Mich, 2012, ph.145-146
Karapatan sa pribadong ari-arian
Karapatan sa buhay
karapatang pumunta sa ibang lugar
karapatang maghanapbuhay.
Anong karapatan na batay sa encyclical na " Kapayapaan sa Katotohanan" (Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan?
" Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mongul, Syria, patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo sa Islamic State."
Karapatang mabuhay
karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Karapatan sa malayang paglipat sa lugar upang manirahan (migrasyon)
Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas.
Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
Ang Moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
Sa Modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mga Mahalagang Tanong na: Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?? Nakahanda ka na bang makaalam at makialam sa lipunan? Mga kaalaman na inaasahang maipapamalas mo: 1. Natutukoy ang mga element ng kabutihang panlahat. 2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan. Ano ang lipunan? - Ang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat. - Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o layunin. Ano ang halimbawa ng lipunan? - Isang halimbawa nito ay ang pangkat ng mga mamamahayag ( ABS-CBN news...
ASYNCHRONOUS MODALITY MODYUL 4: LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN QUARTER 1 WEEK 8 Sa nakaraang Modyul ay nakilala mo ang mga palatandaan ng hindi malusog na ekonomiya. Isang malinaw na palatandaan halimbawa, ang pangangailangan mong gumastos ng gumastos sa cellphone load para sa iyong online class. Habang lumulubo ng lumulobo ang subrang puhunan ng mga kompanya ng telekumunikasyon ay nahihirapan ka namang panatilihin ang kakayahan mong mag paload araw-araw dahil sa kakakupsan ng budget. Marami pang anyo ng hindi patas na pagtatamassa ng mga bunga ng ekonomiya. At sa wari ba ay pikit mata mong tinatangaap na lamang ito. Nabuo sa isip mong maraming nagiisip na hindi kailangang maging ganyan na lamang ang buhay. Ang pagsalungat nila sa kalakaran na sa una'y walang pumapansin, ay unti-unting nakakuha ng mga kakampi, hanggang sa dakong...
ASYNCHRONOUS MODE OF MODALITY MODYUL 4 Lipinang Sibil, Media at Simbahan QUARTER 1 WEEK 7 Magandang araw mag-aaral ng Baesa High school! isa na naman pong panibagong kabanata ng pakikipagsapalaran ang inyong mararanasan sa linggong ito. Gayunpaman, kami na inyong mga guro ay natutuwa dahil sa kabila ng mga pagsubok na inyong nararanasan sa panahon ng New Normal ay hindi pa rin kayo humihinto sa pagnanais na matuto, nararamdaman pa rin namin ang inyong nag-aalab na interes sa pag-aaral. Kaya maraming salamat at mahusay. Sa linggo na ito, susuriin natin ang mahahalagang kaalaman kung paano napupunan ng mga karinawang mamamayan ang pagkukulang ng pamahalaan sa pagtaguyod ng kabutihang panlahat. May mga alam ka bang mga organisasyong naghahatid ng tulong sa mga ...
Mga Komento