3 ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT: ESP 9 LECTURE 2






KABUTIHANG PANLAHAT
 

Ano ang tunay na tunguhin ng Lipunan?


                                             Ang tunay na tunguhin ng lipunan ay ang KABUTIHAN ng komunidad na nararapat na bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.


Ano ang kaibahan ng kabutihan ng nakakarami sa kabutihang panlahat?


è      Ang pag-iral ng nakararami ay nananatiling nag-iiwan ng ilang kasaping hindi nakatatanggap ng kabutihan. Ang isakripisyo ang buhay ng isang taong nahatulan ng habang-buhay na pagkabilanggo upang subukan ang gamut na maaring makatulong sa mga taong may karamdamang hindi pa natutuklasan ang lunas ay maaring katanggap-tanggap kung paiiralin ang kabutihan ng nakararami. NGUNIT! Magiging katanggap-tanggap lamang ito bilang kabutihang panlahat kung kusang-loob na inialay ng bilanggong ito ang kaniyang buhay para sa kagalingan ng may sakit at sa mga taong possible pang dapuan nito sa matagal na panahon.



è Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa tunguhin ng bawat indibiduwal.

o   Nangangahulugan ito ng pagiging tugma ng personal na kabutihan sa kabutihang panlahat. IBIGSABIHIN! Hindi dapat ihiwalay ng mga tao ang kani-kanilang sarili sa paghahanap ng makakabuti sa bawat isa sa kanila kundi ang magtipon-tipon upang hanapin ang kabutihang panlahat na magkakasama.


JOHN RAWLS – ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng isang lipunan.

·        Hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang nararapat na manaig kungi ang panlipunan at sibil na pagkakaibigan, na palaging nangangailangan ng katarungan.


è ANG KABUTIHANG PANLAHAT AY TUMUTUKOY SA KABUTIHANG NAAYON SA MORALIDAD NG TAO, SA LIKAS NA BATAS MORAL.

o   Bakit ito naayon sa MORALIDAD ng tao? 

§  Dahil kung mangingibabaw ang kalayaan, “lalo kung hindi nauunawaan ang tunay na kahulugan nito”, masasakripisyo ang kabutihang panlahat dahil mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao ang kaniyang personal na naisin.
§  Kung mangingibabaw naman ang pagkakapantay-pantay, maaring masakripisyo ang kabutihan ng indibiduwal.

Halimbawa:
               Kung may isang tao na nagtatrabaho ng labindalawang oras at ang isa naman ay nagtatrabaho ng walong oras, masasakripisyo ang kabutihan ng taong nagtatrabaho ng mas mahabang oras kung pantay-pantay lamang ang kanilang sahod na matatanggap.
               Kung magkagayon,


                                             HINDI KALAYAAN O PAGKAKAPANTAY-PANTAY ANG NARARAPAT NA MANAIG KUNDI ANG PANLIPUNAN AT PAGKAKAPATIRAN, NA PALAGING NANGANGAILANGAN NG KATARUNGAN.

Kaya nga tungkulin ng lipunan na matiyak ang kaayusan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga karapatang nakabatay sa katarungan. Sa ganitong paraan makikitang possible na makamit ang kabutihang panlahat.




 MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT


                              Ang kabutihang panlahat ay binubuo ng tatlong mahahalagang element:

1.      Ang paggalang sa indibiduwal na tao.
§  Igalang ang dignidad ng tao.
§  Sa dignidad nakakabit ang karapatan ng tao.
§  Upang maipakita ang paggalang sa tao, nararpat na kilalanin at pahalagahan ang karapatang pantao ng bawat isa.
o   PAANO MAGIGING MAKATARUNGAN ANG ISANG LIPUNAN?
§  Kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang karapatan ng bawat indibiduwal ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at pinahahalagahan.
-        Halimbawa
Ø  Ang paggamit ng tao sa kaniyang bokasyon tungo sa paglinang ng kaniyang sarili. Gayundin ang protektahan ang kaniyang karapatang kumilos ayon sa dikta ng konsensiya.

2.      Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.
§  Ang PAG-UNLAD ang kabuuang pokus ng panlipunang tungkuling kailangang maibigay sa mga tao
o   ANO ANG KARANIWANG PANUKAT SA PAG-UNLAD NG LIPUNAN?
a.      Mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan.
b.      Epektibong pampublikong pangkaligtasan at siguridad.
c.      Kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo
d.      Makatarungang sistemang pang-ekonomiya.
“Ang mga nabanggit ay mayroong malakas na epekto sa kapakanan ng mga kasapi ng pangkat. Mahalagang may mamagitan upang masigurong nakakayanan ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat.

3.      Ang kapayapaan.
o   ANO BA ANG KAPAYAPAAN?
§  Ito ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.
o   KAILANGAN MAKAKAMIT ANG KALAYAAN?
§  Magkakaroon ng kapayapaan kapag iginagalang ang bawat indibiduwal at umiiral ang katarungan.
o   ANO ANG INDIKASYON NG KAPAYAPAAN?
§  Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad ng makatarungang kaayusan.
§  Kailangang nabibigyan ng seguridad ang lipunan at ang mga kasapi nito sa mabuti at maayos na pamamaraan.
Ø  Gayunpaman, may pagkakataong hindi natutugunan ang kabutihan ng lahat kaya’t may mga pagkilos sa lipunan na isinasaalang-alang ang kapakanan ng mas nakakarami.
Ø  Kaya sa abot ng makakaya ay sa lahat, ngunit kailangang maunawaan ding may mga pagkakataong tamang ganapin ang para sa nakararami.
Ø  Hindi kailangang maging resulta ito sa away o gulo at maari itong daanin sa diyalogo.
Ø  PInapakahulugan ng mga elementong ito na ang kabutihang panlahat ay hindi lamang nangyayari ng kusa.

o   PAANO MAKAKAMIT AT MAPAPANATILI ANG KABUTIHANG PANLAHAT?
§  Makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat kung sama-samang kikilos ang mga tao, hindi ng iilan lamang kundi ng lahat.

o   HALIMBAWA
§  Kahit anong pagnanais ng pangulo ng isang bansa na matiyak na hindi mananaig ang korapsiyon sa pamahalaan, hindi siya magtatagumpay kung hindi ito yayakapin ng lahat ng mga namumuno sa ilalim ng kaniyang pamamahala. Alam ng lahat na kung ganap sanang maiiwasan ang korapsiyon sa pamahalaan, mas malaki ang ponding mailalaan para sa edukasyon, kalusugan, imprastraktura, at marami pang iba, na magiging kapaki-pakinabang sa lahat ng mga mamamayan lalo na sa mahihirap.

DR.MANUEL DY (1994)

               -ayon sa kanya, binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang lipunan.
BINUBUO  NG LIPUNAN ANG TAO SAPAGKAT MULA SA PAGKASILANG NARIYAN NA ANG PAMILYANG UMAARUGA AT GUMAGABAY SA KANIYANG PAGLAKI.NARIYAN DIN ANG KANIYANG KAPUWA, ANG PAARALAN, ANG SIMBAHAN, ANG BATAS NA KANIYANG SINUSUNOD NA MAY KANI-KANIYANG AMBAG SA PAGHUBOG NG IBA’T IBANG ASPEKTO NG KANIYANG PAGKATAO.

ANG TAO RIN ANG BUMUBUO SA LIPUNAN SAPAGKAT MATATAGPUAN ANG MGA TAO SA BAWAT BAHAGI NITO.

Ø  Kaya’t ano man ang ginagawa ang ginagawa ng tao para sa kabutihang panlahat ang siyang ibinabalik ng lipunan sa tao. Kaya’t ang bawat mamamayan ay may pananagutang mag ambag para sa kabutihang panlahat.
Ø  Lahat ay maaring mag-ambag para sa pagkamit at pananatili ng kabutihang panlahat, sa iba-ibang mang pamamaraan dahil ito ay ayon sa kani-kaniyang kakayahan, katayuan, at kinalalagyan sa lipunan. Totoo ito sapagkat hindi mo maibibigay

John F. Kennedy- “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa.”

-        Nakakalungkot ngalang isiping bagama’t nauunawaan ng ilan ang kahalagahan at kapakinabangan ng pag-ambag sa pagtamo nito. Kaya isang malaking hamon para sa ating lahat ang sinabi ng dating pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy lalong lao na sa panahong ito.


ANG HAMON SA IYO!

               BILANG ISANG KABATAAN, ANO NA BA ANG NAGAWA MO PARA SA BANSA O SA IYONG KOMUNIDAD?

               MAYROON KA BANG KAYANG GAWIN NGUNIT HINDI MO PINAGSIKAPANG GAWIN?

               ANO KAYA ANG MAITUTULONG NG MUNTING MAGAGAWA NG KABATAAN PARA SA BANSA?

Mga Komento

Sinabi ni Unknown
pwd po b pashare ng worksheets for esp 9, thank you po

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL