ANG PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT PRINSIPYO NG SOLIDARITY


ANO ANG PRINSIPYO NG SUBSIDIARITY AT ANG PRINSIPYO NG SOLIDARITY?


Ang prinsipyo ng subsidiarity at solidarity ay ang mga KONDISYON na dapat masunod upang maging maayos ang lipunan.

Sa Prinsipyo ng Subsidiarity, tutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na magawa ang makakapagpapaunlad sa kanila. Sinisiguro ng prinsipyong ito na walang hahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan mula sa mga pinuno sa pamamagitan ng pag-aambag sa estado ng kanilang buwis, lakas at talino.

Sa Prinsipyo ng Solidarity naman,  tungkulin ng mga mamamayan ang magtulungan at ng pamahlaan ang magtayo ng mga akmang estruktura upang makapagtulungan ang mga mamamayan.

Magbigay ng halimawa ng prinsipyo ng subsidiarity at prinsipyo ng solidarity

ANG PAG-UNLAD NG ISANG LIPUNAN AY HINDI GAWA NG PINUNO. GAWA ITO NG PAG-AAMBAG NG TALINO AT LAKAS NG MGA KASAPI SA KABUUANG PAGSISIKAP NG LIPUNAN.”


BAKIT MAHALAGA KAHIT ANG ISANG MALIIT NA TINIG?

               Ang maliliit na tinig sa lipunang politakal ay ang mga iilang mamamayan/miyembro na pamahalaan na nagbibigay tulong sa lipunan,nagbibigay ng salungat na opinion at lumalaban para sa kanilang mga karapatan at dignidad. Mahalag aito dahil kung wala ang maliliit na tinig na ito ay hindi mabubuo ang marami kung walang magsasalita kahit isa man.
               Sa kabila ng dunong ng pinuno/at o ng mayorya, kung minsan, mula sa isang salungat na opinion isinisilang ang pinakamahusay na karunungan.

SINO ANG TUNAY NA “BOSS” SA ATING LIPUNAN?

                 Ang tunay na “boss” sa Lipunan ay ang KABUTIHANG PANLAHAT, dahil ito ang pag-iingat sa ugnayang pamayanan at pagpapalawig ng mga tagumpay ng lipunan.

Bakit hindi ang pinuno o ang mamamayan ang tunay na boss?
               Hindi ang pinuno, hindi ang mas marami, hindi rin naman ang iilan,  dahil ang ideya ng lipunang politikal ay hindi naglalayun para sa pesonalidad na pagpapahalaga kundi sa kabutihang panlahat.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL