ANO ANG HALAGA NG PAMAHALAAN SA LIPUNANG KINABIBILANGAN?:ESP9 LIPUNANG POLITIKAL


Lipunang Politikal, Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa



Sa modyul na ito, inaasahang masagot mo ang mga MAHALAGANG TANONG na:

1.      Paano matutugunan o makakamit ng tao ang kaniyang pangangailangang pangkabuhayan, pangkultura, at pangkapayapaan?

2.      Bakit mahalaga ang pag-iral ng  Prinsipyong Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa?


Nakahanda ka na bang lalong maunawan kung paano makakamit ng lipunan ang kabutihang panlahat?

Nakahanda ka na bang malaman kung ano ang bahaging iyong nararapat na gampanan?


Halika, simulant na natin!


Ang mga sumusunod ay ang inaasahang malilinang mo na kaalaman, kakayahan at pag-unawa.

A.     Nakilala ang:
                                                              i.     Lipunang Politikal
                                                             ii.     Prinsipyo ng Subsidiarity
                                                            iii.     Prinsipyo ng Pagkakaisa

B.     Nasusuri ang pag-iral o kawalan sa  pamilya, paaralan, barangay, pamayanan o lipunan/ bansa ng: (a. Prinsipyo ng Subsidiarity at b. Prinsipyo ng Pagkakaisa)
C.     Nakapagtataya o nakapaghuhusga kung ang Prinsipyo ng Subsidiarity at Prinsipyo ng Pagkakaisa ay umiiral o nilalabag sa pamilya, paaralan, pamayanan (barangay), at lipunan/bansa.


LIPUNANG POLITIKAL

-Ito ay isang malinaw na sistema ng pagpapasiya at pagpapatakbo ng isang   lipunan/bansa.

Bakit kailangan ng isang bansa ang Lipunang Politikal?

-        Habang lumalaki ang isang pangkat, (halimbawa sa Komunidad, Lungsod, at Bansa) mas nagiging mahirap ng pakinggan ang lahat at panatilihin ang kapayapaan na kung saan ay dating nakukuha lang sa kindatan o pakiusapan ng isang maliit na pangkat gaya ng barkadahan.

-        Sa dami ng interes na kailangang pansinin at pakinggan, sa dami ng nagkakaibang pananaw, sa laki ng lugar na nasasakop, mas nagiging masalimuot ang sitwasyon.

-        Kaya kinakailangan ng isang matibay at malinaw na sistema na siyang magpapsiya at magpapatakbo sa isang lipunan o bansa.


Isang malaking hamon para sa lahat ng mamamayan sa isang lipunan kung paano siya makakagwa at magiging produktibo sa harap ng maraming mga kulturang ito?

Paano magiging isa pa rin ang direksiyon ng bayan sa dami ng mga tinig at direksiyong gustong tunguhan ng mga tao?

_ITO ANG MGA DAPAT NA PINAGNINILAYAN NATIN SA ARAW-ARAW. 


PAMPOLITIKA- ito ang tawa sa paraan ng pagsasaayos ng lipunan upang masiguro ang bawat isa au malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay, makamit ang pansariling mithiin sabay ang kabutihang panlahat.


ANO ANG TUNGKULIN NG PAMAHALAAN?


PAMAHALAAN
             - sila ang nangunguna sa gawaing pagsasaayos ng lipunan.
-        Tungkulin din ng pamahaalan na isatitik sa batas ang mga pagpapahalaga at adhikain ng mga mamamayan.
-        Magtatatag ang pamahalaan ng mga estruktura na maninigurong makakamit ng mga tao ang mga pangangailangan nila.
-        Mag-iipon, mag-iingat at magbabahagi ng yaman ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbubuwis at pagbibigay serbisyo.
-        Sila din ang magpapatupad ng batas upang matiyak ang soberanya at mapanatili ang seguridad at kapayapaan sa loob ng bansa na kailangan sa pagiging produktibo ng lipunan.


BAKIT MAHALAGANG MAKITA ANG PAGPAPATAKBO SA LIPUNAN BILANG KAPUWA-PANANAGUTAN NG PINUNO AT MAMAMAYAN?

 Ang lipunang politikal ay isang UGNAYANG NAKAANGKLA SA PANANAGUTAN.
                          -ang pananagutan ng PINUNO na pangalagaan ang nabuong kasaysayan ng              pamayanan.

Ipinagkakaloob sa kanila ng buong pamayanan ang TIWALA na pangunahan ang pangkat, ang pangunguna sa pupuntahan, ang paglingap sa pangangailangan ng kasapi, ang pangangasiwa sa pagsasama ng grupo.

Kinakailangang tuparin ng pinuno at mamamayan ang kapuwa-pananagutan dahil kung hindi nila tutuparin ang kanilang pael, kung hindi sila makikisali sa pag-iisip at pagpapasiya, kung hindi sila makikilahok sa mga pampamayanang gawain, kung hindi sila nagpupunyagi sa kanilang mga paghahanapbuhay, HINDI UUNLAD ANG PAMAHALAAN AT LIPUNAN.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL