HINDI PANTAY PERO PATAS: Mangingibabaw sa ating Lipunang Ekonomiya


Lipunang Ekonomiya


Sa Modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang Mahalagang Tanong na:

ANO ANG MABUTING EKONOMIYA?  PARA SAAN ANG EKONOMIYA?

Pagkatapos ng araling ito, inaasahang malilinang mo na ang iyong mga kaalaman, kakayahan at pag-nawa sa:

A.     Nakikilala ang mga katangian ng mabuting ekonomiya
B.     Nakapagsusuri ng maidudulot ng magandang ekonomiya


Saan nagsimula ang paniniwalang lahat ng tao ay pantay-pantay?
-        Ang lahat ng tao ay pantay-pantay dahil sa ating pananaw na lahat tayo ay nilikha ng Diyos
-         Kung titignan ang tao sa kaniyang hubad na kaanyuhan, katulad lamang din siya ng iba.

Max Scheler
-        Dahil sa debate mula sa dalawang pananaw tungkol sa pagiging pantay o hindi ng mga tao sa lipunan ay nagbigay ng kaniyang karunungan si Max Scheler tungkol sa usaping ito.
-        Para sa kanya, bahagi ng pagiging tao ng tao ang pagkakaroon ng magkakaibang lakas at kahinaan.
-        Nasa hulma n gating katawan ang kakayahan nating maging isang sino.
Halimbawa:
-        Ang taong matangkad ay sadyang nangunguna sa basketball kesa sa maliit.
-        Ang babae ay mas may taglay na karisma upang mahalina ang mga lalaki.
-        May timbre naman ng boses ang hinahanap upang maging tagapagbalita sa radio.
-        May linaw naman sa mata na hinihingi sa pagiging isang piloto.

NGUNIT!, sinabi din ni Scheler an dahil sa hindi pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng yaman ng bayan.

Hindi dahil sa maliit ang manlalaro ng basketbol ay hindi na siya kailanman magiging mahusay at masaya sa kaniyang paglalaro. Hindi niya maabot na maging matangkad ngunit mayroon siyang magagawa sa  bukod-tangi niyang paraan na magpapaiba sa kaniya sa matangkad. KAILANGAN LAMANG NG TIWALA AT PAGKAKATAON.

Isang malaking halimbawa dito ay ang kasalukuyang kalagayan ng ating bansa dahil sa pananalanta ng pandemyang Covid-19.


Ø  MAYROON KA BANG MAGAGAWA SA BUKOD-TANGI MONG PARAAN NA MAGPAPAIBA SA IYO SA PANGKAT O ORGANISASYONG KINABIBILANGAN MO?

Ano ang prinsipyo  ng Proportio?
               Tinawag ni Santo Tomas de Aquino  na Prinsipyo ng Proportio ang angkop na pagkakaloob ng ayon sa pangangailangan ng tao.
               Sa madaling salita, hindi man pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa kanila. Kailangang maging patas ayon sa kakayahan at pangangailangan.

Ano ang pagkaka-iba ng Pantay at Patas?

               Ang pantay, ito ang pagkakaroon ng pare-parehong  pag tingin sa pagkatao at halaga ng dignidad tao dahil lahat tayo ay nilikha ng Diyos. Ang patas ay ang angkop na pagbibigay ng yaman ng bansa ayon sa kakayahan at pangangailan.

Isang malinaw na halimbawa ditto ay ang nararanasan natin ngayon.
Pantay-pantay ang halaga ng buhay ng tao, kaya hinihikayat tayong manatili sa ating tahan ay pangalagaan an gating mga kalusugan. Subalit sa pagbibigay ng ayuda, upang maging patas, uunahing bigyan ang mas nangangailangan.

Ano ang iyong opinion ukol dito?

Ang tunay na amayaman ay ang taong nakikilala ang sarili sa bunga ng kanyang paggawaa. Hindi sa pantay-panta na pababahagi ng kayamanan ang tunay na kayamanan. Nasa pagkilos ng tao sa anumang ibinigay sa kaniya ang kaniyang ikakayaman.

Ano ang dapat na manaig sa ating lipunan? Pantay o Patas?
                             
               HINDI PANTAY PERO PATAS!: Prinsipyo Ng Lipunang-Pang-ekonomiya.
Lipunang pang ekonomiya- ito ang lipunang nagsisikap na pangasiwan ang mga yaman ng bansa ayo sa kaangkupan nito sa pangangailangan ng tao. (pagiging patas)

Ang EKONOMIYA – ay mula sa griyegong salita na “oikos” (bahay) at “nomos”(pamamahala). Kaya ang ekonomiya ay tulad lamang sa pamamahala sa bahay.

Mayroong sapat na budget ang namamahay. Kagaya sa Ekonomiya ng bansa, May sapat din ito na budget.

Kailangan nitong pagkasyahin ang lahat ng mga bayarin sa tahanan sa (kuryente, tubi, pagkain, panlinis ng bahay, at iba pa.) upang makapamuhay nang mahusay ang mga tao sa bahay, maging buhay tao(humane) ang kanilang buhay sa bahay at upang maging tahanan ang bahay.


Ang lipunang ekonomiya sa malaking pagtingin, ay ang mga pagkilos na masiguro na ang bawat bahay ay magiging tahanan.

Pinangungunahan ito ng estado sa pangangasiwa ng patas na pagbabahagi ng yaman ng bayan.
Lumilikha ito ng pagkakataon na makapamuhunan sa bansa ang maga may capital upang mabiayan ang mga mamamayan ng puwang na maipamalas ang kanilang mga sarili sa paghahanapbuhay.

Sinisikap gawin ng estado na maging patas para sa mga nagkakaiba-ibang mga tao ang mga pagkakataaon upang makalikha ng bawat isa ang kanilang sarili ayon sa kani-kanilang mga tunguhin at kakayahan.

Bilang pabalik na ikot, ang bawat mahusay na paghahanapbuhay ng mga tao ay kilos na nagpapangyari sa kolektibong pag-unald ng bansa.


Kung maunlad ang bansa, higit na mamumuhunan ang mga may capital na siyang lilikha ng higit pang mga pagkakataon para sa mga tao-pagkakataon hindi lamang makagawa, kundi pagkakataon ding tumaas ang antas ng kanilang pamumuhay.


Hindi lamang sariling tahanan ang binubuo ng mga tao sa loob ng Lipunang Ekonomiya. Ginagawa rin nilang isang malaking tahanan ang bansa- isang tunay na tahan kung saan maaring tunay na tumahan ang bawat isa sa pagsisikap nilang mahanap ang kanilang mga buhay.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL