Ano ang halaga ng MEDIA sa Lipunang Sibil?:Edukasyon sa Pagpapakatao 9

MODYUL 4 : Lipunang sibil, media at simbahan


Matapos kang maglakbay sa modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang Mahalagang tanong na :

 ANO-ANONG PAGPAPAHALAGA ANG ISINUSULONG NG LIPUNANG SIBIL UPANG MAKAMIT ANG KABUITIHANG PANLAHAT.


Sa modyul an ito inaasahang maipapamalaas moa ng mga sumususnod na mga kaalaman at mga kakayahan,

1.      Natutukoy ang mga halimbawa ng Lipunang sibil at ang ginagampanang papel ng mga ito tungo sa kabutihang panlahat.
2.      Nasusuri ang mga adhikaing nagbubunsod sa mga lipunang sibil upang kumilos ng tungo sa kabutihang panlahat.



Ang media- Ang pangunahing layunin ng media bilang isang anyo ng lipunang sibil ay magsulong ng iakakabuti ng bawat kasapi ng lipunan. Ito ang dahilan kung bakit tungkulin ng media ang pagsasabi ng buong katotohanan.at kagyat na pagtutuwid sakali mang  maling impormasyon na maaring maging batayan ng iba sa pagpapasiya ng kilos.

An gang mga dapat na islong ng media? May napansin ka bang mga paglabag sa katotohanan ng media? Kung mayroon, ano ang ginagawa mo upang ituwid ito?


Ang media ay pinaglalagakan lamang ng mga katotohanang kailangan ng lipunan para sa ikabubuti ng bawat kasapi nito.
Hindi ikabubuti nino man ang kasinungalingang bunga ng pagbabawas o pagdaragdag sa katotohanan.
Ang kapangyarihan ng media ay hindi isang lakas na nalalasa, kundi isang pag-ibig na lumulikha
-        Papa juan Pablo 1999

Ang Simbahan-  sa pagiging pananampalataya mo, ay hindi anwawala ang iyong pagkamamayan.
Sa katanunayan, ang iyong pananamapalataya ay naisasabuhay mo sa pamamagitan ng pagtuwang sa lipunan, at s apagtugon sa panawagn ng lahat na “paki lang”.

-Gaano man karami ang iyong matamo para sa sarili, makakaramdam ka pa rin ng kahungkagan, ng kakulangan. Hindi ka nag-iisa sa ganitong damdamin.

Narito ang mga katangian ng iba’t-ibang anyo ng lipunang sibil na inilalarawan sa modyul na ito.\

1.      PAgkukusang-loob.
-        Walang pumilit, nanakot, o naggigipit sa mga kasapi nito upang makisangkot.
-        Mala ito mula sa impluwensiya ng estado o negosyo.
-        Hindi ito nagsusulong ng pampolitikang hangarin ng sinumang nasa pamahalaan, o ng pangkomersyong hangarin ng sinumang negosyante.
2.      Bukas na pagtatalastasan.
-        Walang pinipigilan o dinidiktahan sa pagpapahayag ng saloobin. Ang uri ng pasgtatalakay kung saan buhay ang diwa ng demokrasya. Sa pagpapalitan ng lahat ng kuro-kuro ay nalilinaw ang mga usapin; daan upang ang mga kaanib ay magkaroon ng katiyakan sa gagawin nilang mga pagpapasiya.
3.      Walang pag-uuri.
-        Hindi isinasaalang-alang ang kalagayang panlipunan ng mga kasapi: mayaman man o mahirap, may pinag-aralan o wala, kilala o hindi,a numang kasarian dahil isinusulong ang kabutihang panlahat, binibigyan ng pagkakataong mapakinggan ang lahat ng panig; sa gayon ay walgn maiiwang  nagtamasa ng bunga ng pagsisikap ng lipunan.
4.      Pagiging organisado.
-        Bagama’t hindi ganun ka organisado tulad ng estado at ng negosyo, patungo ito sa pagiging institusyon, ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sapagkat nagbabago ang kalagayan ayon sa mga natutugunang pangangailangan, nagbabago rin ang kaayusan ng organisasyon upang tumugma sa kasalukuyang kalagayan.
5.      May isinusulong na pagpapahalaga.
-        Ang isinusulong nito ay hindi pansariling interes kundi kabutihang panlahat.
-        Isinusulong ng media ang katotohanan, isinusulong ng simbahan ang espiritualidad.
-        Ang pagpapahalagang ito ang nagbubunsod sa mga kasapi upang mapagtagumpayan ag anumang balakid.





WALANG SINUMAN ANG NABUBUHAY NG PARA SA SARILI LAMANG: SABI NI FR. EDUARDO HINTIVEROS SA ISANG AWIT.

ANG LIPUNAN AY PARANG ISANG BAHAY NA GAGAMBA ANG PAGPATID SA ISANG HIBLA AY SAPAT NA PARA MASIRA ANG KABUOAN NITO.
ANG PAGDUDUGTONG NG MGA HIBLA NITO SA KAPUWA HIBLA AY MAY GANOON DIN EPEKTO SA KABUUAN.
ANG PAKIKISANGKOT NATIN SA ANUMANG LIPUNAN SIBIL AY NAKAPAGSUSULONG NG IKABUBUTI NG KALAKHAN NG LIPUNAN.
SA KABILANG BANDA, ANG PAGWAWALANG BAHALA NATIN SA LIPUNANG SIBIL AY NAKAPAGPAPANATILI, KUNG HINDI MAN NAKAPAGPAPALALA, NG MGA SULIRANING PANLIPUNAN.

SAPAGKAT ANG IKABUBUTI NG LIPUNAN AY NAKASALALAY SA IKABUBUTI NG BAWAT ISA SA ATIN, HINDI MAIAALIS ANG PATULOY NATING PAGMAMALAY SA PAANYAYA NG BAWAT NAKAKATAGPO NATING NAKIKIUSAP NA “PAKI LANG”.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL