ANO ANG PIPILIIN MO? ANG MABUTI? O ANG TAMA?:ESP 9 MODYUL 5


Modyul 5: MGA BATAS NA NAKABATAY SA LIKAS NA BATAS MORAL



Sa modyul na ito, inaasahang masasagot mo ang katanungang:

Ano ang batas an gabay s ating pagpapakatao? 
Bakit kailangang umayon sa batas na ito?


Sa modyul na ito, inaasahang maipapamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa.

1.      Natutukoy ang mga bats na ankaayon sa Likas na Batas Moral
2.      Nasusuri ang mga batas na umiiral, panukala tungkol sa kabataan o tuntunin sa pamilya batay sa pagsunod ng mga ito sa likas na batas moral.

Mga batas na Nakabatay sa Batas Moral

Ano ba ang Batas Moral?

Narinig mo na ba ang prinsipyong First do no harm?

                Ito ay nangangahulugang pagsisikap na hindi makapagdulot ng sakit. Nagbibigay lunas, at pagnanais ng makapagpagaling sa mga pasyente



Ang mabuti at ang tama,

Ano ang mabuti?
-        Maraming maaari
ng mabigay na kahulugan sa salitang mabuti.
-        Ang mabuti ang laging pakay at layon ng isang tao.
-        Isa itong KILOS na nagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.

Paano nalalaman o makikilala kung ang kilos ng isang tao ay mabuti?
-        Ang isip at ang puso ang gumagabay para kilatisin kung ano talaga ang mabuti.
-        May matinong pag-iisip, pagsusuri, pagtitimbang at paglilinis sa mga motibasyon ang kasabay sa pagkilala sa mabuti.
-        Ang mabuti ay pagsisikap na laging kulimilos tungo sa pagbubuo at pag-papaunlad ng sarili at ng mga ugnayan.


MABUTI BANG TUMAMBAY KASAMA ANG BARKADA?

MABUTI BANG UMINOM NG ALAK?

-        Ang tanungin ng tanong na “Mabuti ba” bago pa gawin ang isang bagay ay tanda na ng masikap na paghahangad na matupad ang mabuti.
-        Hindi agad-agad lumulusong sa paggawa nang walang pagtitimpi at pagmumuni sa kabutihan ng gawain.
-        Nakakatakot at delikado ang taong may sagot at hindi nag-iisip dahil malang, ang ginagawa niya ay piliin lamang ang pinakawili-wili sa kaniya.
-        Ang nagiisip ay namimilipit pa sa pagtimbang kung tama ba talaga ang pipiliin, kung ano ang mga posibleng epekto ng pagpili, at kung mapapanindigan ba niya ang mga bungang kaniyang kakaharapin.

Sapat na nga ba talaga ang paghahangad sa mabuti at pagkilos sa inaakalang mabuti?
Paano kung ang inaakalang mabuti ay nakasasakit o nakakasira lamang?

-Mahirap ang paniniwala na sapat na ang mabuting intensiyon para kilalaning mabuti ang gawain.

Halimbawa:
1.      Gusto kong pakainin ang aking pamilya kaya magnanakaw ako.
2.      Gusto kong manalo sa palaro kaya dadayain ko ang edad ng mga kasamahan ko sa team.
3.      Gusto kong kumita ng malaki kaya mamanipulahin ko ang timbangan ng ida naming sa palengke.

Ano ang hinahangad ng mga halimbawa? Tama, hangad nila ang kabutihan para sa sarili, kaya kailangang maunawaan: HINDI MAARING IHIWALAY ANG MABUTI SA TAMA.

Maari ban sabihin ng ama sa kaniyang anak na “Maypasalamat kayo sa ninakaw ko, at may nakakain kayo ngayon.”

O nang ale sa kaniyang suki,”Suki, pasensiya ka na, babawasan kita ng isang guhit dahil may hinuhulugan akong alahas.

Maibabalik ba ng isang tao ang buhay ng kapuwa kung sa maling pasiya niya ay naging dahilan ito ng kamatayan ng kaibigan? Sapat na ba ang sabihing, “Mabuti ang aking hangarin.”


IBA ANG MABUTI SA TAMA

Ang mabuti ang mga bagay/mga kilos na tutulong sa pagbuo ng iyong sarili.

ANO ANG TAMA?

 Ang tama ay ang pagpili ng pinakamabuti batay sa panahon, kasaysayan, lawak at sitwasyon.

Tulad sa Likas na Batas Moral.
Preskripsiyon ang mabuti….Ang tama naman ay ang pinaka angkop.

Tinitignan dito ang mga pangangailangan at kakayahan na gagawing pagpili.


HALIMBAWA:

1.      Kung nakikita ni Romel na makakabuti sa kaniya ang isports, hindi lang siya basta-basta sasabak sa laro. Kailangan niyang tignan ang kaniyang kakayahan bago siya magsimulang magboksing.
2.      Kung nais na magpakasal ni Estella at Ruben, Kailangan nilang siguraduhing handa na ang kanilang loob para sa kanilang kinabukasan bilang mag-asawa- ang bahay, ang pambayad ng koryente, tubig, pagkain, at iba pa.
3.      Mabuti ang mag-asawa, subalit tama na ba ito agad?

Kahit sa gamot: Mabuti ang uminom ng gamut. Ngunit marapat ding tignan ng Doktor ang kakayahan ng pasyente sa bias ng gamot na ibibigay.

Mabuti ang gamot, ngunit may tamang gamot para sa isang tao ayon sa sakit na mayroon siya.
May ibang gamot na nagdudulot ng mga allergies sa mga particular na tao.

May mga gamot na hindi epektibo sa ibang tao.

Ganito ang prinsipyo ng generics. Ang pasyente na ang bahalang humanap ng nahihiyang sa kanya batay sa reseta ng doctor.
Tulad din sa Likas na Batas Moral, Preskripsiyon ang mabuti ang angkop naman ay ang sa tao.



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL