This Blog has been re-created to help my students with their ESP 9 (Edukasyon sa Pagpapakatao-9) lessons. This is to promote dynamic learning to students who are facing great learning challenges caused by the Pandemic. I will also include random learning activities and worksheets from other subject field. Thank you.
love: T'Maita
ASYNCHRONOUS CLASSROOM Magandang Araw po sa lahat! Narito po ang mga gawain natin para sa ika-anim na linggo sa ikalawang markahan. 1. GAWAIN 1 ( INTERVIEW/ SURVEY) Panuto: Ngayon naman, iyong subukang kapanayamin ang ilan sa miyembro ng iyong pamilya na nagtatrabaho o di kaya ay ang mga kakilala mo na manggagawa sa inyong lugar. Pumili ng isa hanggang tatlong tao na iyong kakapanayamin. Maaaring gumamit ng video call sa pakikipanayam kung hindi posible na makausap mo sila ng personal. Tiyakin lamang na maitatala mo ang kanilang mga naging kasagutan, at kumuha ng mga larawan bilang patunay ng iyong isinagawang interview. Maaaring gamitin ang simpleng interview form sa ibaba, gayun din ang mga tanong na kalakip nito sa iyong pakikipanayam. 2. Gawain 2. 3. Pangwakas na pagsusulit. Panuto: basahin ng mabuti at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa inyong kwaderno. Tama o Mali. Tukuyin at basahin ng may pag-unawa ang bawat pahayag. Is...
ASYNCHRONOUS CLASSROOM QUARTER 2 WEEK 4 FEBRUARY 8-12, 2021 FINAL SUBMISSION OF OUTPUT IS ON FEB. 17, 2021 Isang mapag palang araw po sa inyo grade 9 students, narito po ang ating learning task para sa ating ika-apat na linggo sa ikalawang markahan. Para sa pagbabalik tanaw sa nakaraang aralin, maaring panuorin ang Video na nasa ibaba. (Link: https://www.youtube.com/watch?v=mKjuf87PEbU&t=151) Tandaan: Iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, itinuturo nito ay isa lamang: hindi kakasangkapanin ang tao. Ituturing ang tao bilang may pinakamataas na halaga at gagawin natin ang lahat upang ingatan at tulungan ang kapwa tungo sa kaniyang kaunlaran. Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Likas sa atin ang maging makatao (panig sa tao) ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Sa kasalukuyang sitwasyon na hinarap ngayon, paano natin masasabi na tayo ay makatao? Bilang isang mag-aaral, maipapakita mo na mahalaga sa iyo ang iy...
Sa Modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mga Mahalagang Tanong na: Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?? Nakahanda ka na bang makaalam at makialam sa lipunan? Mga kaalaman na inaasahang maipapamalas mo: 1. Natutukoy ang mga element ng kabutihang panlahat. 2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan. Ano ang lipunan? - Ang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat. - Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o layunin. Ano ang halimbawa ng lipunan? - Isang halimbawa nito ay ang pangkat ng mga mamamahayag ( ABS-CBN news...
Mga Komento