ANG 3 HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT: ESP 9 LECTURE 3
MGA HADLANG SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT
Hadlang-Suliranin-mga
pumipigil
Narito ang mga hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat.
1. Nakikinabang lamang sa benepisyong Hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.
Sino-Sino ba ang
mga hadlang na ito sa ating lipunan?
·
Sila ang mga taong nagbibigay lamang nang halaga
sa pakinabang na kaniyang makukuha sa kabutihang panlahat na nagmumula sa
malasakit at pagsasakripisyo ng iba.
·
Nakikinabang lamang siya subalit WALANG AMBAG o
PAKIKIBAHAGI NA NANGGAGALING SA KANIYA.
HALIMBAWA!
-
Ang sapat na suplay ng tubig ay pinakikinabangan
ng lahat ng tao. Subalit upang mapanatili ang sapat na suplay ng tubig sa
panahon ay nagnanais gawin ito sapagkat ayon sa kanila, habang may taong
nagtitipid makikinabang pa rin siya nang hindi nagbabawas ng kaniyang konsumo.
-
Ang nakakabahala rito ay kapag dumami ang taong
may ganitong pangangatwiran,
2. Ang indibiduwalismo o ang paggawa ng
tao ng kaniyang personal na naisin.
·
Nais ng taong maging malaya sa pagkamit ng
pansariling tunguhin ng walang ibang nanghihimasok o nakikialam sa kaniya.
·
Ayaw ng taong ganito na magambala ang kaniyang
personal na buhay- “nais niya palagi na MAPAG-ISA.”
·
Hindi niya pinakay ang pakinabang mula sa
kabutihang hatid ng sakripisyo ng iba subalit ayaw rin niyang magambala para sa
kabutihang ng iba.
Ø
Sa kulturang ito, mahirap makumbensi ang taong
isakripisyo ang kaniyang kaunting kalayaan, personal na hangarin sa pansariling
interes para sa kapakanan ng “kabutihang panlahat” dahil para sa kaniya, hindi
niya kailangang mag-ambag sa kabutihang
panlahat kundi ang manatiling Malaya sa pagkamit ng kaniyang personal na
kabutihan.
HALIMBAWA!
-
May mga taong ayaw nang manood ng balita at
makialam sa mga nagyayari sa paligid dahil mas marami siyang suliranin sa
kaniyang personal na buhay na kailangang isaayos.
-
Maaaring ikatuwirang hindi siya makikialam sa
mga bagay na hindi naman tuwirang nakaaapekto sa kaniya.
3. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa nagagawa ng iba.
> Upang mapanatili ang kabutihang panlahat, hinihingi sa ilan ang mas malaki at mabigat na pananagutan kaysa sa iba.
HALIMBAWA!
-Upang kayanin ng mga mahihirap ang pagbili ng produkto, kailangang tanggapin ng negosyante ang mababang tubo o kita mula sa mga produkto; o ang pangkalusugang seguridad ay maging abot kaya ng lahat, ang health insurance ay may mababang premium o ang doktor ay tumatanggap ng mababang sahod. Ang tingin ng ilan sa ganitong sitwasyon ay hindi makatarungan.MGA KONDISYON SA PAGKAMIT NG KABUTIHANG PANLAHAT.
1. Ang lahat ng tao ay dapat na mabigyan ng pagkakataong makakilos nang malaya na ginagabayan ng diyalogo, pagmamahal, at katarungan.
> Mahalagang palaging nasa isip ng lahat ang tunay na kahulugan ng kalayaan dhail may panganib na isipin ng ilan na walang hanggan ang kaniyang kalayaan.
> Mahalaga ang dialogo upang maibahagi sa bawat isa ang kanilang saloobin, damdamin, at pananaw.
> Madalas na ang sanhi ng hindi pagkakaunawaan ng mga tao ay ang kakulangan ng pag-uuap.
> Kung hindi mananaig ang pagmamahal at katarungan sa kanila sa lahat ng pagkakataon, hindi ganap na kakayanin ng sinuman na isantabi sa ilang pagkakataon ang kaniyang pansariling kaligayahan at kapakanan para sa kabutihang panlahat.
> Ang dalawang pagpapahalagang ito ang susi upang makamit ng lipunan ang kaniyang tunay na layunin at tunguhin.
2. Ang pangunahing karapatang pantao ay nararapat na mapangalagaan.
> Hindi magiging ganap ang isang lipunan at ang mga taong kasapi nito kung hindi naigagalang ang pangunahing karapatan ng tao.
> Ang karapatan ang nangangalaga sa dingnidad ng tao at nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay.
> Hangga't nananaig and diskriminasyon sa lipunan, nagpapahiwatig itong hindi pa ganap ag pagsasaalang -alang ng mga tao sa kabutihang panlahat.
3. Ang bawat indibiduwal ay nararapat na mapaunlad patungo sa kaniyang kaganapan.
> Ang lipunan ang dapat na maging isang instrumento upang makamit ng tao ang kaniyang kaganapan bilang tao.
> Kung walang nagagawa ang lipunang kaniyang ginagalawan upang siya ay umunlad bilang tao, masasabing hindi pa tunay na gampanin para sa tao at sa lipunan.
"KAYA MAHALAGA RING MATIYAK NA ANG INTEGRIDAD AT KATATAGAN PAMILYA AY MAPAPANGALAGAAN DAHIL ANG PAMILYA ANG PANGUNAHING YUNIT SA PAGHUBOG NG MAPANAGUTANG MAMAMAYANG MULAT SA TUNAY NA KAHULUGAN NG KABUTIHANG PANLAHAT."
Hindi naimimili ng edad o antas sa buhay ang pagtiyak na mananaig ang kabutihang panlahat. Ito ay nakabatay sa iyong puso at pagmamalasakit sa iyong kapwa..
TANDAAN!!!!!
ANG TUNAY NA PAGGALANG SA DIGNIDAD NG TAO AY NAGANGAILANGAN NG PAGKAMIT SA KABUTIHANG PANLAHAT. GANAP LAMANG NAMSASABING TUNAY NA KINIKILALA ANG DIGNIDAD NG TAO KUNG NANANAIG SA LAHAT NG PAGKAKATAON ANG KABUTIHANG PANLAHAT. NARARAPAT MAGMALASAKIT ANG LAHAT UPANG LUMIKHA O SUMUSUPORTA SA MGA INSTITUSYONG PANLIPUNAN O PAUNLARIN ANG KALAGAYAN NG BUHAY NG BAWAT INDIBIDUWAL NA SUMASALAMIN SA LIPUNAN.
Mga Komento