Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1
Sa Modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mga Mahalagang Tanong na:
Paano makakamit at mapapanatili ang
kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili??
Nakahanda ka na bang makaalam at makialam sa lipunan?
Mga kaalaman na inaasahang maipapamalas mo:
1.
Natutukoy ang mga element ng kabutihang
panlahat.
2.
Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng
pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o
lipunan.
Ano ang lipunan?
-
Ang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na
“lipon” na nangangahulugang pangkat.
-
Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa
ang tunguhin o layunin.
Ano ang halimbawa ng lipunan?
-
Isang halimbawa nito ay ang pangkat ng mga
mamamahayag ( ABS-CBN news or GMA news) sila ay may iisang tunguhin o layuning
maghatid ng mga bagong balitang nagaganap sa bansa at sa daigdig.Tinitiyak nila
na makararating ito sa mga tao sa iba’t ibang paraan.
-
Isa pang halimbawa ng lipunan ay ang pangkat ng
mga guro. Magkakaiba man ang kanilang paaralang tinuruan o ang mga
assignaturang kanilang hinahawakan, may iisa silang layunin at ang layunin na
ito ay ang magpadaloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral.
Tandaan Ã
Ang lipunan o pangkat ng mga indibiduwal ay patungo sa iisang layunin o
tunguhin.
à Kolektibo ang pagtingin
sa bawat kasapi nito ngunit hindi naman nito binubura ang indibidwalidad o
pagiging katangi-tangi ng mga kasapi.
Ano ang komunidad? At bakit ito ang madalas na ginagamit upang tukuyin ang lipunan?
à mahalagang
maunawaan mo ang pagkakaiba at pagkakaugnay ng dalawang salitang itoupang hindi
ito maging sanhi ng kalituhan.
KOMUNIDAD- ito ay galing sa salitan Latin na communis na nangangahulugang “common” nagkakapareho.
-ang isang komunidad ay binubuo ng mga
indibiduwal na nagkakapareho ng mga interes, ugali, o pagpapahalagang bahagi ng
isang particular na lugar.
-
Sa komunidad mas nabibigyan ng halaga ang
natatanging katangian ng mga kasapi o kabahagi.
-
Ang bawat indibiduwal ay may kani-kaniyang mga
layunin o tunguhin sa buhay.
Ano ang mga halimbawa ng komunidad?
Kagaya ng nakasaad sa itaas na halimbawa ng
lipunan, Magkakaiba man ang tinuturuang paaralan ng dalawang guro, silang
dalawa ay bahagi ng lipunan dahil sila ay may parehong layunin ang magpadaloy
ng pagkatuto sa mga mag-aaral. Ngunit wala silang malalim na ugnayan sa
isat-isa dahil hindi naman sila magkakilala. Ngunit dumating ang panahon na silang dalawa
ay nagkasama sa isang scholarship at naging malapit na magkaibigan, naging
magkumare at nabuo ang mas malalim ang kanilang ugnayan. Nagtutulungan silang
dalawa sa pagpapaunlad ng kaalaman at nag-aambag ang isa para sa paggabay sa
kaniyang inaanak.
Sa pagkakataong ito, hindi na lamang sila bahagi ng isang lipunan kundi
naging mahagi din sila ng isang komunidad.
NAUNAWAAN PO BA ANG PAGPAPALIWANAG?
MABUTI!
NGAYON AY ISULAT SA IYONG KWADERNO ANG PAGKAKAIBA AT PAGKAKAPAREHO NG
LIPUNAN AT KOMUNIDAD GAMIT ANG ISANG VENN DIAGRAM.
Ayon kay Dr. Manuel Dy. Jr. – ANG
BUHAY NG TAO AY PANLIPUNAN.
Ano ang nais ipahiwatig nito sa kanyang sinabi?
Ang buhay ng tao ay panlipunan dahil ang ating
mga gawain na natutuhan na kasama ang ating kapuwa.
Halimbawa: Ang isang simpleng paglilinis n gating bakuran ay hindi
makakasanayang gawin ng isang bata kung hindi ito ituturo ng pamilya.
Nakalakihan itong ginagawa ng pamilya ng tulong-tulong.
Sa gawaing ito, mas nangingibabaw ang halaga ng pagsasama-sama ng pamilya
kaysa sa mismong kalinisan.
Bilang anak, Alamo mong iniaalay mo ang mga gawaing ito sa iyong mga
magulang dahil alam mong ito ay makapagpapasaya sa kanila at kasabay nito,
nakapag-ambag ang iyong pamilya sa kalinisan ng kapaligiran.
Anong lipunan ang iyong kinabibilangan? Ano ang inyong nagkaisang
layunin? Sino sa kasama sa lipunan ang bahagi rin ng iyong komunidad?
è
Isa ka bang Anak, Kapatid, Kamag-anak, Kaklase,
Kababayan, at iba pa? Naging mulat tayo sa isang mundo na may kinabibilangan na
naayon sa lipunan.
è
Makikita ang mga ito maging sa mga media na
pinipili nating maging kabilang gaya ng kapamilya, kapuso, kapatid at iba pa.
è
Ayon kay Jacques Maritain, ang manunulat ng
aklat na “The Person and the Common Good” (1996) – hahanapin talaga ng taong
mamuhay sa lipunan sa dalawang mahalagang dahilan…
o
Una, ito ay dahil sa katotohanang hindi siya
nilikhang perpekto (nobody’s perfect ika nga) at dahil likas para sa kanya ang
magbahagi sa kaniyang kapuwa ng kaalaman at pagmamahal.
Isang pagpapatunay
ditto ang pagkakaroon ng wika. Hindi gawa ng dalawang tao ang wika, ito ay
galing sa lipunan. Binigyan tayo ng panginoon ng kakayahang magwika o magsalita
dahil likas na nilikha ng Diyos ang tao sa sumalipunan.
Sa pamamagitan ng
wika, sumasalipunan ang tao hindi
lamang dahil nilikha niya ito kasama ang kanyang kapuwa kundi dahil natutuhan
niya ito mula sa kaniyang kapuwa at ginagawa para sa kapuwa.
Ang kaalaman at
pagmamahal ay maibabahagi lamang sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kapuwa.
o
Pangalawa, ginugusto ng taong mamuhay sa lipunan
dahil sa kaniyang pangangailangan o kakulangan mula sa material na kalikasan.
Ayon kay Santo Tomas Aquinas, ay akda ng aklat na Summa Theologica, sa pamamagitan lamang ng
lipunan makakamit ng tao ang layunin ng kaniyang pagkakalikha.
Ano ang nais ipahiwatig ng “binubuo ang tao ng Lipunan. Binubuo ng
lipunan ang tao”.
o
Sa lipunan, nagkakaroon ang tao ng pagkakataong
maipakita ang pagmamalasakit, ang tumulong at matulungan sa panahon ng
pangangailangan.
o
Naipapakita ang pagmamalasakit na ito sa
pagdamay at bukas-palad na pagtulong sa kapuwang walang hinihintay na kapalit.
o
Dahil dito, umuusbong ang pagtitiwala sa kapuwa
na siyang dahilan na sama-samang pagkilos tungo sa isang mithiin.
o
Nangingibabaw sa pagkakataong ganito na hindi
lamang ang personal na kabutihan ng indibiduwal ang nilalayon ng lipunan kundi
ang kabutihang panlahat.
NARANASAN MO NA BA ANG TUMULONG
SA IYONG KAPUWA? – TULAD NG PAGABABAHAGI NG IYONG BAON PARA SA ISANG MATANDANG
NAGUGUTOM O PAGBIBIGAY NG IYONG MGA DAMIT PARA SA MGA NASALANTA NG KALAMIDAD?
SA GANITONG PAGKAKATAON, NAKAAKIT KA BA NG KAPUWA MO MAG-AARAL NA TUMULONG?
NAKARAMDAM KA BA NG GALAK DAHIL SA IYONG GINAWA? ANO ANG MAGANDANG MAIDUDULOT
NG IYONG GINAWA PARA SA LIPUNAN?
Mahusay, ngayon ay isulat sa iyong kwaderno ang iyong sariling opinion sa mga katanungang nasa itaas.
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Mga Komento
Villarin 9-F