3 ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT: ESP 9 LECTURE 2
KABUTIHANG PANLAHAT
Ano ang tunay na tunguhin ng Lipunan?
Ang
tunay na tunguhin ng lipunan ay ang KABUTIHAN ng komunidad na nararapat na
bumalik sa lahat ng indibidwal na kasapi nito.
Ano ang kaibahan ng kabutihan ng nakakarami sa kabutihang panlahat?
è Ang pag-iral ng nakararami ay nananatiling nag-iiwan ng ilang kasaping hindi
nakatatanggap ng kabutihan. Ang isakripisyo ang buhay ng isang taong
nahatulan ng habang-buhay na pagkabilanggo upang subukan ang gamut na maaring
makatulong sa mga taong may karamdamang hindi pa natutuklasan ang lunas ay
maaring katanggap-tanggap kung paiiralin ang kabutihan ng nakararami. NGUNIT!
Magiging katanggap-tanggap lamang ito bilang kabutihang panlahat kung
kusang-loob na inialay ng bilanggong ito ang kaniyang buhay para sa kagalingan
ng may sakit at sa mga taong possible pang dapuan nito sa matagal na panahon.
è
Ang tunguhin ng lipunan ay kailangang pareho sa
tunguhin ng bawat indibiduwal.
o
Nangangahulugan ito ng pagiging tugma ng
personal na kabutihan sa kabutihang panlahat. IBIGSABIHIN! Hindi dapat ihiwalay
ng mga tao ang kani-kanilang sarili sa paghahanap ng makakabuti sa bawat isa sa
kanila kundi ang magtipon-tipon upang hanapin ang kabutihang panlahat na
magkakasama.
JOHN RAWLS – ang kabutihang panlahat ay ang pangkalahatang kondisyong
pantay na ibinabahagi para sa kapakinabangan ng lahat ng isang lipunan.
·
Hindi kalayaan o pagkakapantay-pantay ang
nararapat na manaig kungi ang panlipunan at sibil na pagkakaibigan, na palaging
nangangailangan ng katarungan.
è
ANG KABUTIHANG PANLAHAT AY TUMUTUKOY SA
KABUTIHANG NAAYON SA MORALIDAD NG TAO, SA LIKAS NA BATAS MORAL.
o
Bakit ito naayon sa MORALIDAD ng tao?
§
Dahil
kung mangingibabaw ang kalayaan, “lalo kung hindi nauunawaan ang tunay na
kahulugan nito”, masasakripisyo ang
kabutihang panlahat dahil mangingibabaw ang pagnanais na gawin ng tao ang
kaniyang personal na naisin.
§
Kung
mangingibabaw naman ang pagkakapantay-pantay, maaring masakripisyo ang kabutihan ng indibiduwal.
Halimbawa:
Kung
may isang tao na nagtatrabaho ng labindalawang oras at ang isa naman ay
nagtatrabaho ng walong oras, masasakripisyo ang kabutihan ng taong nagtatrabaho
ng mas mahabang oras kung pantay-pantay lamang ang kanilang sahod na
matatanggap.
Kung
magkagayon,
HINDI KALAYAAN O PAGKAKAPANTAY-PANTAY ANG
NARARAPAT NA MANAIG KUNDI ANG PANLIPUNAN AT PAGKAKAPATIRAN, NA PALAGING
NANGANGAILANGAN NG KATARUNGAN.
Kaya nga tungkulin ng lipunan na
matiyak ang kaayusan sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mga karapatang nakabatay
sa katarungan. Sa ganitong paraan makikitang possible na makamit ang kabutihang
panlahat.
MGA ELEMENTO NG KABUTIHANG PANLAHAT
Ang
kabutihang panlahat ay binubuo ng tatlong mahahalagang element:
1.
Ang paggalang sa indibiduwal na tao.
§
Igalang ang dignidad
ng tao.
§
Sa dignidad nakakabit ang karapatan ng tao.
§
Upang maipakita ang paggalang sa tao, nararpat
na kilalanin at pahalagahan ang karapatang pantao ng bawat isa.
o
PAANO MAGIGING MAKATARUNGAN ANG ISANG LIPUNAN?
§
Kailangang nasisiguro ng namumuno dito na ang
karapatan ng bawat indibiduwal ay kinikilala, iginagalang, pinoprotektahan at
pinahahalagahan.
-
Halimbawa
Ø
Ang paggamit ng tao sa kaniyang bokasyon tungo
sa paglinang ng kaniyang sarili. Gayundin ang protektahan ang kaniyang
karapatang kumilos ayon sa dikta ng konsensiya.
2.
Ang tawag ng katarungan o kapakanang
panlipunan ng pangkat.
§
Ang PAG-UNLAD ang kabuuang pokus ng panlipunang
tungkuling kailangang maibigay sa mga tao
o
ANO ANG KARANIWANG PANUKAT SA PAG-UNLAD NG
LIPUNAN?
a.
Mga pampublikong sistema ng pangangalaga sa
kalusugan.
b.
Epektibong pampublikong pangkaligtasan at
siguridad.
c.
Kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo
d.
Makatarungang sistemang pang-ekonomiya.
“Ang mga nabanggit
ay mayroong malakas na epekto sa kapakanan ng mga kasapi ng pangkat. Mahalagang
may mamagitan upang masigurong nakakayanan ang tawag ng katarungan o kapakanang
panlipunan ng pangkat.
3.
Ang kapayapaan.
o
ANO BA ANG KAPAYAPAAN?
§
Ito ay resulta ng pagkakaroon ng katahimikan,
kapanatagan, at kawalan ng kaguluhan.
o
KAILANGAN MAKAKAMIT ANG KALAYAAN?
§
Magkakaroon ng kapayapaan kapag iginagalang ang
bawat indibiduwal at umiiral ang katarungan.
o
ANO ANG INDIKASYON NG KAPAYAPAAN?
§
Ang kapayapaan ay indikasyon ng pagkakaroon ng
kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad ng makatarungang kaayusan.
§
Kailangang nabibigyan ng seguridad ang lipunan
at ang mga kasapi nito sa mabuti at maayos na pamamaraan.
Ø
Gayunpaman, may pagkakataong hindi natutugunan
ang kabutihan ng lahat kaya’t may mga pagkilos sa lipunan na isinasaalang-alang
ang kapakanan ng mas nakakarami.
Ø
Kaya sa abot ng makakaya ay sa lahat, ngunit
kailangang maunawaan ding may mga pagkakataong tamang ganapin ang para sa
nakararami.
Ø
Hindi kailangang maging resulta ito sa away o
gulo at maari itong daanin sa diyalogo.
Ø
PInapakahulugan ng mga elementong ito na ang
kabutihang panlahat ay hindi lamang nangyayari ng kusa.
o
PAANO MAKAKAMIT AT MAPAPANATILI ANG KABUTIHANG
PANLAHAT?
§
Makakamit at mapapanatili ang kabutihang
panlahat kung sama-samang kikilos ang mga tao, hindi ng iilan lamang kundi ng
lahat.
o
HALIMBAWA
§
Kahit anong pagnanais ng pangulo ng isang bansa
na matiyak na hindi mananaig ang korapsiyon sa pamahalaan, hindi siya
magtatagumpay kung hindi ito yayakapin ng lahat ng mga namumuno sa ilalim ng
kaniyang pamamahala. Alam ng lahat na kung ganap sanang maiiwasan ang
korapsiyon sa pamahalaan, mas malaki ang ponding mailalaan para sa edukasyon,
kalusugan, imprastraktura, at marami pang iba, na magiging kapaki-pakinabang sa
lahat ng mga mamamayan lalo na sa mahihirap.
DR.MANUEL DY (1994)
-ayon sa kanya,
binubuo ng lipunan ang tao at binubuo naman ng tao ang lipunan.
BINUBUO NG LIPUNAN ANG TAO
SAPAGKAT MULA SA PAGKASILANG NARIYAN NA ANG PAMILYANG UMAARUGA AT GUMAGABAY SA
KANIYANG PAGLAKI.NARIYAN DIN ANG KANIYANG KAPUWA, ANG PAARALAN, ANG SIMBAHAN,
ANG BATAS NA KANIYANG SINUSUNOD NA MAY KANI-KANIYANG AMBAG SA PAGHUBOG NG IBA’T
IBANG ASPEKTO NG KANIYANG PAGKATAO.
ANG TAO RIN ANG BUMUBUO SA LIPUNAN SAPAGKAT MATATAGPUAN ANG MGA TAO SA
BAWAT BAHAGI NITO.
Ø
Kaya’t ano man ang ginagawa ang ginagawa ng tao
para sa kabutihang panlahat ang siyang ibinabalik ng lipunan sa tao. Kaya’t ang
bawat mamamayan ay may pananagutang mag ambag para sa kabutihang panlahat.
Ø
Lahat ay maaring mag-ambag para sa pagkamit at
pananatili ng kabutihang panlahat, sa iba-ibang mang pamamaraan dahil ito ay
ayon sa kani-kaniyang kakayahan, katayuan, at kinalalagyan sa lipunan. Totoo
ito sapagkat hindi mo maibibigay
John F. Kennedy- “Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng iyong
bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong
bansa.”
-
Nakakalungkot ngalang isiping bagama’t
nauunawaan ng ilan ang kahalagahan at kapakinabangan ng pag-ambag sa pagtamo
nito. Kaya isang malaking hamon para sa ating lahat ang sinabi ng dating
pangulo ng Amerika na si John F. Kennedy lalong lao na sa panahong ito.
ANG HAMON SA IYO!
BILANG ISANG KABATAAN, ANO NA BA ANG NAGAWA
MO PARA SA BANSA O SA IYONG KOMUNIDAD?
MAYROON
KA BANG KAYANG GAWIN NGUNIT HINDI MO PINAGSIKAPANG GAWIN?
ANO
KAYA ANG MAITUTULONG NG MUNTING MAGAGAWA NG KABATAAN PARA SA BANSA?
Mga Komento