Recipe para sa isang Matiwasay na Lipunan: Kabutihang Panlahat

GAWAIN 2


Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan? Hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo ay mapapansin ang hindi pagkakasundo o alitan ng mga tao. Hindi lamang ang mga contestant sa Ms. Universe ang maaring mangarap ng kapayapaan sa mundo (world peace). Hindi man tuwirang nabibigkas ng maraming tao ay marami rin ang nangangarap ng matiwasay na lipunan, at marahil ay isa ka sa mga ito. Pero paano nga kaya magkakaroon ng katiwasayan sa Lipunan? Kung tatanungin kita ngayon, Ano kaya ang maipapayo mo? Gawin natin yan ngayon sa unang bahagi ng araling ito.


PANUTO:
Siguradong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain. Malinaw na nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng mga ito. Nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin ang recipe para sa matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito makakamit?


BUMUO KA NG RECIPE PARA SA MATIWASAY NA LIPUNAN.

Isulat ito sa inyong Journal notebook at pagkatapos ay bumuo ng isang maikling "video mula dito"


Narito ang nilalaman nito:

* Sangkap na kakailanganin upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan.
* Mga tiyak na sukat nito, katulad ng tasa, kutsara o kutsrita, kilo, gramo at iba pa na kakatawan ng mga elemento ng lipunan.
* Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay
(hal. Ilagay ang katarungan sa isang malaking lalagyan at haluan ito ng pagmamahal. Matapos itong mapagsama ay budbudran ito ng buka na komunikasyon.)



Matapos ag gawain ay sagutin mo ang sumusunod na tanong:

KOPYAHIN AT SAGUTAN SA INYONG MGA JOURNAL NOTEBOOK.


1. Ano ang iyong naging realisasyon matapos maisagawa ang gawain?
2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan?
3. Ano ang pinaka mahalagang pamamaraan sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan? Ipaliwanag.

"GAMITING GABAY ANG NASA VIDEO SA PAGGAWA NG INYONG MATIWASAY NA LIPUNAN"





E-CLICK LAMANG ANG FULL SCREEN VIEW KUNG NAIS MAPALAKIHAN ANG SCREEN




Google Classroom Output

1. Self- Made Video
2. Complete Answer Journal Notebook












Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL