MODYUL 6: KARAPATAN AT TUNGKULIN
Inaasahang sa modyul na ito ay masasagot mo ang
mahalagang tanong na:
ANO ANG
DAPAT MONG GAWIN NG TAO UPANG MAGKAROON NG TUNAY NA KABULUHAN ANG KARAPATAN?
BAKIT MORAL
NA GAWAIN ANG PAGTUPAD NG TUNGKULIN?
ANO-ANO ANG
DALAWANG OBLIGASYON NA KAAKIBAT NG KARAPATAN NG ISANG TAO?
Inaasahan naman na maipapamalas mo ang mga
sumusunod:
1. Natutukoy
ang mga karapatan at tungkulin ng tao
2. Nasusuri
ang mga paglabag sa karapatang pantao na umiiral sa pamilya, paaralan,
barangay/pamayanan, o lipunan/bansa.
I.
Ano ang Karapatan?
-Napag-aralan mo sa baitang 7 na ang lahat ng
tao ay may pantay na karapatan. Napag-aralan mo na din mula sa mga nakaraang
aralin(modyul) na ang pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa ay ang kanyang
taglay na DIGNIDAD.
- Nag-uugat ang dignidad na ito sa kaniyang
kakayahang mag-isip at makapili ng mabuti at pagiging bukod-tangi.
- Ano naman ang batayan ng pantay na
karapatan ng lahat ng tao?
Ano nga ba ang karapatan?
“Ang karapatan ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng
tao sa kanyang estado sa buuhay.”
II.
Bakit ito tinawag karapatan na kapangyarihang
moral?
“Tinawag
ang karapatan ng isang kapangyarihang moral dahil hindi maaring puwersahin ng
tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan o pwersahan ang mga bagay na kailangan niya
sa buhay.”
Kaakibat
sa karapatan ng isang tao ang igalang ito. Kapag nilabag ang karapatang ito,
magkakaroon siya ng damdamin ng pagsisisi.
BILANG KAPANGYARIHANG MORAL, ANG KARAPATAN
AY PAKIKINABANGAN NG TAO LAMANG DAHIL TAO LAMANG ANG MAKAKAGAWA NG MORAL NA
KILOS. DAHIL SA KARAPATANG ITO, MAY OBLIGASYON ANG TAO
NA AKUIN AT TUPARIN ANG KANYANG MGA TUNGKULIN
III.
Saan nakabatay ang Karapatan? Ipaliwanag
“Nakabatay ang mga karapatan sa LIKAS NA
BATAS MORAL (ito ang sampung utos ng Diyos) na tinatalakay sa Modyul 5. Ito ang
batayan ng mga karapatan na itinakda ng isang lipunan o pamahalaan. Ito ang
batas na nagpapataw ng obligasyon sa lahat ng tao na igalang ang mga karapatan
ng isang tao.”
IV.
Bakit kailangang ipagtanggol nang may mataas na
determinasyon ang karapatan sa buhay, kung ihahambing sa ibang karpatang
pantao, ayon kay Papa Juan XXIII?
May mga Karapatang pantao na itinakda sa atin ng
ating pamahalaan na masasalamin sa Pandaigdig
na Pagpapahayag ng mga karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human Rights)
ito ay ipinagtibay at isinabatas ng pamahalaan at ipinatutupad ng Commission on
Human Rights.
Kailangan ang mga karapatang ito sa pagsasaayos na
pakikipag-ugnayan sa kapuwa. May anim na karapatan na hindi maaalis o tinatawag
na (inalienable) Ibig sabihin, magbago man ang nakaupo sa pwesto, lumipas man
ang mahabang panahon, mananatili itong pinakapangunahing karapatan. Ito ay ayon
kay Santo Tomas de Aquino(Quinto 1989).
Nabigyang diin naman sa pahayag ni Papa Juan XXIII
na kailangang ipagtanggol ng may mataas na determminasyon ang karapatan sa
buhay dahil ang karapatang mabuhay ang pinakamataas na antas ng karapatan. Kung
wala ang buhay, hindi mapapakinabangan ng tao ang ibang karapatan. Kaya dapat
itong mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.
ANO ANG MGA (INALIENABLE) na uri ng KARAPATAN Ayon
kay Santo Tomas de Aquino (Quinto 1989)
1. KARAPATAN
SA BUHAY – Ito ang pinakamataas sa antas ng mga kapangyarihan dahil kung
wala ito, hindi mapapakinabangan ng tao ang ibang karapatan.
Bilang Isang
Mamamayan ng lipunan, Ano ang gagawin mo upang mangingibabaw sa ibang karapatan
ang karapatan sa buhay sakaling ito ay ay malagay sa panganib?
--Isulat ang
iyong halimbawa/kasagutan sa iyong journal notebook--
Meron akong
isang halimbawa:
Sa panahon ng taggutom (lalo sa panahon ng
covid-19 pandemic) kalamidad o gera, kailangan bigyan ng pagkain ng may-ari ng
grocery o tindahan sa palengke ang taong nagugutom.
*Ipinapakita ditto na nalilimitahan ng
karapatan sa buhay ang pribadong ari-arian. Kapag hindi tutugon sa pangangailangang ito ang mga may-ari ng
grocery o tindahan, magkakaroon siya ng BIGAT NG KONSENSIYA.
Isa pang
halimbawa:
Ang karapatan ng fetus na ipanganak, kaya
ipinagbabawal ang sapilitang aborsiyon.
Binigyang diin ito ni Papa Juan XXIII sa
kanyang pahayag.
|
Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang
pantao tulad ng karapatan sa kalusugan, sa buhay, sa trabaho, sa pamilya,
sa kultura----ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang
karapatan sa buhay, ang pinakabatayang at pangunahing karapatan at
kailagang para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi
maipagtatanggol ng mataas na antas na determinasyon.
|
ANG PAGGALANG SA DIGNIDAD NG BUHAY NG
PAG-AADBOKASIYA PARA SA HALAGA NG BAWAT BUHAY, KASAMA NG MGA TAONG NAKAPATAY NG
KANILANG
2.
KARAPATAN SA PRIBADONG ARI-ARIAN –
Hindi maalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian
upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho nang produktibo at nakikibahagi sa
lipunan. Sa kabilang dako, magiging isang pang-aabuso ang karapatang ito kung
naaapi o naagrabiyado ang mga manggagawa sa suweldo o mga benepisyo.
3.
KARAPATANG MAGPAKASAL – May
karapatan ang taong bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal. Nagsimula ito
noong panahon ng slavery, na kailangang humingi ang slave ng pahintulot sa
kaniyang amo upang makapag-asawa. May mga pasubali sa karapatang ito.
Halimbawa:
Kailangan ng
kabataang nasa edad ng 17 o pababa ang pahintulot ng magulang upang
mapangalagaan siya sa anumang kapahamakan. Pinag-iingat din sa pag-aasawa ang
mga may mga nakakahawang sakit o may sakit sa isip, kahit taglay parin nila ang
karapatang magpakasal.
4.
KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR –
Kasama sa karapatang ito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may
oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay o ligtas sa anumang
panganib, tulad ng paglikas ng mga taga Syria upang takas an ang kamatayan o
pananakot sa kamay ng Islamic State. Nagbibigay din ng asylum ang ibang bansa
sa taong pinarurusahan o binibilanggo nang walang katarungan.
5.
KARAPATANG SUMAMBA O IPAHAYAG ANG
PANANAMPALATAYA- may karapatan ang bawat tao na piliin ang relihiyon na
makakatulong sa kaniya upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at
pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapuwa. HINDI MAARING GAWING OBLIGASYON ANG
PAGKAKAROON O PAGLIPAT SA ISANG PARTIKULAR NA RELIHIYON UPANG MATANGGAP SA
TRABAHO O MAGING OPISYAL NG PAMAHALAAN.
6.
KARAPATANG MAGTRABAHO O MAGHANAPBUHAY-
may obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho o disenteng
hanapbuhay sa mga mamamayan upang mapakinabangan nila ang karapatang mabuhay.
May karapatang magtrabaho sa ibang bansa ang mga mamamayan kung walang
oportunidad sa kanilang bansa na mapaunlad ang kanilang estado sa buhay sa
kanilang pangangailangan.
IBINATAY ANG MGA KARAPATANG ITO SA UDHR
(UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS), PATAS AT HINDI MAALIS NA KARAPATAN NG
BAWAT KASAPI NG SANGKATAUHAN BILANG PUNDASYON NG KALAYAAN, KATARUNGAN, AT
KAPAYAPAAN SA BUONG MUNDO.
SAAN BA NAGSIMULA
ANG KARAPATANG PANTAO?
Ayon
kay Eleonor Roosevelt(pinuno ng pangkat na bumuo ng deklarasyon)-Ang mga
karapatang pantao ay nagsisimula sa mundo ng indibidwal na tao- sa maliit na
pamayanan kung saan siya nakatira, sa paaralang pinapasukan niya, sa factory,
sa sakahan, o sa opisina kung saan siya nagtatrabaho.
Ito ang mga lugar kung saan dapat
asahan ng bawat babae, lalaki, bata o matandaang pantay na katarungan, oportunidad,
at dignidad nang walang diskriminasyon. Kung walang kabuluhan ang mga
karapatang ito sa lugar na iyon, wala ring kahulugan ang mga ito sa anumang
bahagi sa mundo. Kung walang nagkakaisang kilos ang mga lugar na nabanggit,
mahihirapan tayong matamasa ang kaunlaran sa buong mundo.
Mga Komento