MODYUL 6: KARAPATAN AT TUNGKULIN: LECTURE 2
I.
Ano ang Tungkulin?
Ang tungkulin ay ang mga kilos/gawain na
kinakailangan mong gawin. Maaring tawagin sa mga katawagang pananagutan,
obligasyon o mga bagay na kailangan mong gawin o gampanan.
II.
Bakit tinawag ang tungkulin na obligasyong
moral?
Kung ang karapatan ay isang
kapangyarihang moral, ang tungkulin anman ay isang obligasyong moral. Bakit nga
ba ito isang obligasyong moral?
-
Moral ang obligasyong ito dahil ito ay
nakasalalay sa MALAYANG KILOS-LOOB NG TAO.
-
Ibig sabihin obligasyong
moral ng tao na GAWIN o HINDI GAWIN ANG( o iwasan) ang isang gawain.
-
Subalit, kasama sa pagiging moral ng tao ang
pagtupad ng tungkulin.
-
OO nga at may malayang pagpapasya ka na gawin o
hindi gawin (o iwasan) ang gawain moral nang tao (pag-iisip at paggamit ng
puso) na tuparin ang kanyang tungkulin.
-
Moral na gawain ito dahil napapanatili nito an
gating buhay-pamayanan.
-
Sa makatuwid, an pagtalikod o hindi pagtupad sa
mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili
at sa mga ugnayan.-Manuel Dy,2013
Sandali lang!!....
Ano ang
mararamdaman mo kapag hindi ka nakatupad sa isang pangako?
HALIMBAWA:
a.
Hindi pagpasa ng
assignment/project sa takdang panahon o nahuli ka sa pagpasa nito dahil hindi
ka nagplano ng paraan ng maayos at maagap na pagsasagawa nito?
b.
Ano ang sinasabi ng
damdaming ito sa tungkulin bilang obligasyong moral?
c.
May nilabag ka bang
karapatan sa pagkakataong ito?
d.
Paano mo maibabalik
ang maayos na ugnayan sa mga pinangakuan mo?
e.
Paano mo maibabalik
ang maayos na ugnayan mo sa iyong sarili?
-------ISULAT ANG IYONG MGA KASAGUTAN SA IYONG
JOURNAL NOTEBOOK----------
III.
Bakit kailangang tuparin ng bawat indibidwal ang
kaniyang tungkulin na hubugin ang sarilitungo sa pagpapakatao ayon kay Scheler?
-
Bingyang diin ni Max Scheler na kailangang
hubugin ang sarili tungo sa pagpapakato upang matupad din ng pamayanan,
pamahalaan, o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng
pagpapakatao.
-
Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa
sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon
nito sa tao na itinakda ng mga batas.
HALIMBAWA
-
Kailangan ng pakikipagtulungan sa pagitan ng
Parents Teachers and Community Association at barangay upang maisagawa ang medical mission ng mga boluntaryong
magulang. Kailangan ang pananagutan ng indibidwal na mga kasapi ng lipunan na
maging mabuting kasapi sa pamamagitan ng pakikilahok at pakikiisa sa mahalagang
gawain. Kung hindi, hindi rin matutupad ng pamahalaan ang mga obligasyon nito
sa mga mamamayan.
IV.
Ano ang Batayan sa pagbuo ng Pangkalahatang
Deklarasyon ng mga Tungkulin ng Tao?
-
Kataulad din sa karapatan, ang batayan sa pagbuo
ng pangkalahatang deklarasayon ng Tungkulin ng tao ay ang LIKAS NA BATAS MORAL.
Kaya kailangang tuparin ang mga tungkulin dahil ito ay nararapat at nakabubuti.
V.
Ano-ano ang epekto ng hindi pagtupad ng
tungkulin? Ipaliwanag gamit ang batayang moral at isang halimbawa?
-ISULAT
ANG IYONG KASAGUTAN SA IYONG JOURNAL NOTENOOK
ANG MGA TUNGKULIN
May
mga kaakibat na tungkulin ang bawat karapatan. Narito ang anim na tungkulin na
tutugon sa angkop na karapatan:
MGA KARAPATAN
|
MGA KAAKIBAT NA
TUNGKULIN/PANANAGUTAN
|
|
SA KARAPATAN SA BUHAY
|
May tungkulin ang bawat tao na pangalagaan ang kaniyang
kalusugan at ang kaniyang sarili sa mga panganib ng katawan o kaluluwa.
Maytungkulin ikaw na paunlarin ang iyong mga talent at
kakayahan-sa apektong pangkatawan, pangkaisipan (sa pamamagitan ng pag-aaral
ng mabuti) at mora (pag-iisip na matuwid at pagkilos ng naayonsa mabuting
konsensiya.
Obligasyon ng bawat isa ang pagpapagamot kung may sakit o
pumunta sa ospital kung kailangan.
Kailangang iwasan ang mga isport na mapanganib na maaring
humantong sa kamatayan tulad ng car racing,wrestling, o boxing , at iba pa.
|
|
SA KARAPATAN SA PRIBADONG
ARI-ARIAN
|
May tungkulin ang tao na pangalagaan at palaguin
ang anumang ari-arian niya at gamitin ito upang tulungan ang kapuwa at
paunlarin ang pamayanan. Isang
halimbawa nito ang pagtulong sa mga nasalanta ng baha sa pamamagitan
ng pagbibigay ng pagkain, damit, o pera, mga bagay na tunay nilang kailangan.
|
|
SA KARAPATANG MAGPAKASAL
|
May kaakibat na tungkulin na suportahan ang
pamilya at gabayan ang mga anak upang maging mabting tao ang mga ito. Kasama
rito ang pagiging mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa mga eskandalo
na magiging sanhi sa pagsira ng pangalan ng pamilya, at pagsasabuhay ng mga
birtud bilang isang pamilya. Ginagarantiya ng pamahalaan at estado ang
karapatang ito sa pamamagitan ng batas na nag-iingat sa karapatan ng asawang
babae at mga anak sa abusadong asawang lalaki.
|
|
SA KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR
|
May tungkulin na igalang ang mga pribadong
boundary. Kaakibat ng karapatang ito ang tungkulin na kilalanin ang
limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyon ng kapuwa. Mahalaga ang
paggalang na ito kahit sa pagitan ng mag-asawa o magkaibigan
|
|
SA KARAPATANG SUMAMBA O IPAHAYAG
ANG PANANAMPALATAYA
|
May tungkulin na igalang ang relihiyon o paraan
ng pagsamba ng iba. Kahit magkakaiba ang mga relihiyon, may pagkakapareho rin
ang mga ito—ang pagsamba sa iisang nilalang na makapangyarihan sa tao. Kasama
sa tungkuling ito ang paggalang sa paraan ng pag-alaala sa mga patay at
ninuno.
|
|
SA KARAPATANG
MAGTRABAHO
O MAGHANAPBUHAY
|
May tungklin ang bawat isa na magpunyagi sa
trabaho o hanapbuhay at magpakita ng kahusayan sa anumang gawain. Mahalaga
ang katapatan ng mga empleyado sa kanilang trabaho- ibig sabihin, nakapokus
sa gawain at hindi pinalilipas ang oras nang walang ginagawa. Kasama sa
karapatang ito ang karapatang mag-alsa (strike) kung may inhustisya sa
pagsusuweldo at ang pagiging bukas ng mga empleyado sa ditalogo sa kompanya o
arbitration.
|
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na
karapatan ng bawat tao sa buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan,
katarungan at kapayapaan ay nangangailangan ng patas na pgbibigay-halaga sa
karapatan at tungkulin upang makabuo ng batayang moral kung saan lahat ng
lalaki at babae ay mamumuhay nang mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan
bilang tao. ito ang dahilan kung bakit binuo rin ng UNITED NATION ang
Pangkalahatang pagpapahayag ng mga tungkulin ng tao (Universal Declaration of
Human Responsibilities) noong 1997.
(FUNDAMENTAL PRINCIPLES FOR HUMANITY) ANG APAT NA
BATAYANG PRINSIPYO NG SANGKATAUHAN
May 19 NA ARTIKULO (ARTICLES) ang
ibabahagi sa ibaba ay ang inalienable arcles.
Artikulo 1. Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi,
estado sa lipunan, opinion sa mga isyung politikal, wika, edad, nasyonalidad, o
relihiyon ay may tungkulin na pakitunguhan ang lahat ng tao sa paraang makatao.
Artikulo 2.
Walang tao ang dapat sumuporta sa
anumang uri ng hindi makataong asal, kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling
pagsumikapang pangalagaan ang dignidad at tiwala sa sarili sa kapuwa.
Artikulo 3. Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army, o pulisya ang dapat
mangibabaw sa mabuti at masama; lahat dapat ay sundin ang pamantayang moral.
Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang
mabuti at iwasan ang masama sa lahat ng bagay.
Artikulo 4. Lahat ang tao, gamit ang kanilang isip at
konsensiya, ay dapat tanggapin ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa pamilya,
pamayanan, lahi, bayan at relihiyon nang may pagkakaisa: huwag mong gawin sa
iba ang anumang ayaw mong gawin nila sa iyo.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang
OBLIGASYON ng kaniyang kapuwa na igalang ito ang kaniyang obligasyon na tuparin
ang kanyang mga tungkulin. Mahalaga sa bawat isa, lalo na sa yugtong ito na
iyong kabataan ang pagsasabuhay ng mensaheng ito.
Matutugunan mo ang tawag sa pagbuo ng iyong
pagkatao sa lipunan kung igagalang mo at ng kalipulan ang mga karapatan ng
iyong kapuwa at kung tutuparin mo nang mapanagutan ang iyong mga tungkulin.
Masalimuot man ang pagtupad ng iba’t ibang
tungkulin sa bawat papel na ginagampanan mo lalo na sa lipunan, mahalagang
patuloy na tayahin ang sarili kung napaunlad mo ang mga kaloob ng Diyos sa
pamamgitan ng pagtupad ng iyong mga tungkulin at paglilingkod sa Lipunan.
Mga Komento