GAWAIN 2 Mulat ka ba sa mga nangyayari sa lipunan sa kasalukuyan? Hindi lamang sa ating bansa kundi maging sa buong mundo ay mapapansin ang hindi pagkakasundo o alitan ng mga tao. Hindi lamang ang mga contestant sa Ms. Universe ang maaring mangarap ng kapayapaan sa mundo (world peace). Hindi man tuwirang nabibigkas ng maraming tao ay marami rin ang nangangarap ng matiwasay na lipunan, at marahil ay isa ka sa mga ito. Pero paano nga kaya magkakaroon ng katiwasayan sa Lipunan? Kung tatanungin kita ngayon, Ano kaya ang maipapayo mo? Gawin natin yan ngayon sa unang bahagi ng araling ito. PANUTO: Siguradong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain. Malinaw na nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng mga ito. Nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin ang recipe para sa matiwasay na lipunan, ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito makakamit? BUMUO KA NG RECIPE PARA SA MATIWASAY N...