Mga batayang Pansariling Salik sa Pagpili ng TRACK o KURSONG Akademik, Teknikal-Bokasyonal, Sining at Disenyo, at Isports


         

Handa ka na ba?

Alam mo na ba ang kukunin mong Track o Strand sa Senior High School?

o nalilito ka pa rin, dahil ang mismong salitang Track or Strand ay hindi mo maunawaan.

Nais mo bang masagot ang mga tanong ng iyong magulang, kaibigan, guro or mga kakilala kung anong napili mong track o strand ng walang alinlangan?

Ang mga tanong mo na iyan ay malinaw na masasagutan ipapaliwanag ng Aralin na ito.

Kaya basahin at unawain ng mabuti ang mga sumusunod na kaalaman upan lubos mong maunawaan ang iyong pagpili.



Sa pagpili ng iyong Kurso sa Senior High School Kinakailangang gamitin ang mga Batayan/Gabay upang ikaw ay makapag pasiya ng tama. Ang mga Batayan na ito ay tinatawag na " MGA PANSARILING SALIK"

Ano ba ang mga Pansariling Salik?
                    Ito ay ang mga personal na taglay mong talino, kakayahan, mga interes, pagpapahalaga sa buhay at ang iyong mithiin. Kinakailangan mo itong bigyan ng pansin sapagkat ikaw ay maykakayahan nang mag-isip at may malayang kilos. Kung hindi ka mag-iisip at mag papasya para sa sarili mo, maaring ibang tao ang mag-dededsisyon para sa iyo.

Gusto mo bang palagi ka nalang dinidiktahan ng iyong mga magulang?kaibigan?at mga tao sa paligid mo?

Nararapat lamang na maglaan ng Oras sa pag-iisip bago mamili at suriin ng mabuti ang sarili, dahil ito ang tutulong sa iyo na makita ang kabuuan at ang iba't ibang anggulo ng sitwasyon.

Pagtuunan mo ng malaking pansin ang mga pansariling salik sa pagpili ng tamang track o kursong akademik, teknikal-bokasyonal, sining at disenyo, at isports.

1. MULTIPLE INTELLIGENCES 
                   ito ay ang mga pambihirang talento na biyaya ng panginoon at likas na kakayahan na kinakailangan tuklasin at palaguin. Ang teoryang ito ay binuo ni Dr. Howard Gardner. 

                            A.     VISUAL /SPATIAL Ang taong may talinong ito ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at pag-aayos ng mga ideya.  Ang larangan ng angkop sa talinong ito ay sining, arkitektura at inhinye
                                                B.     VERBAL/LINGUISTIC- Ito ang talino sa pagbibigkas o pagsulat ng salit. Kadalasan ang mga taong may taglay na talinong ito ay mahusay sa pagbabasa, pagsulat, pagkukwento, at pagmememorya ng mga salita at mahahalagang petsa. Ang mga larangan na nababagay sa talinong ito ay pagsulat, abogasya, pamamahayag (journalism), politika, pagtula at pagtuturo.
                                            C.  Mathematical/ Logical- Taglay ng mga taong mat talino nito ang mabilis na pagkatuto sa pamamagitan ng pangangatwiran at paglutas ng mga suliranin (problem solving). Ito ay talinong kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. Gaya ng inaasahan, ang talinong ito ay may kinalaman sa kahusayan sa matematika, chess, computer programming, at iba pang kaugnay na gawain.

                      D. Bodily/kinaesthetic-m Ang mga taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o interaksiyon sa kapaligiran.Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kanyang katawan at pisikal na kakayahan. Ang larangang karaniwang kaniyang tinatahak ay ang pagsasayaw, isports, pagiging musikero, pag-aartista
  pagiging doctor (lalo na sa pag-oopera) konstruksyon, pagpupulis, at pagsusundalo.
  

                  E. Musical/Rhythmic- Ang mga taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika. Hindi lamang ito pagkatututo sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karanasan.

                F. Intrapersonal- Sa talinong ito, natututo ang tao sa pamamagitan sariling damdamin, halaga at pananaw. Ang larangang kaugnay nito ay pagiging isang researcher, manunulat ng nobela o negosyante.

               G. Interpersonal- Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-gnayan sa ibang tao. Ito ay may kakayahan na makipag tulungan at makiisa sa isang pangkat. Kadalasan siya ay nagiging tagumpay sa larangan ng kalakalan, politika, pamamahala, pagtuturo o edukasyon at social work.

         H. Naturalist- Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang angkop sa pag-aaral ng kalikasan kundi sa lahat ng larangan. Kadalasan ang taong mayroon ganitong talino ay nagiging environmentalist, magsasaka, Botanist.

            I.  Existentialist- Ito ay talino s apagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “ Ano ang papel na gagampanan ko sa mundo?” “Saan ang lugar ko sa aking pamilya, sa paaralan, sa lipunan?” Ang talinong ito ay naghahanap ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating ginagalawan. Kadalasan ag taong may ganitong talino ay masaya sa pagiging philosopher o theorist.


1.     KASANAYAN O SKILLS: ito ay tumutukoy sa mga bagay kung saan ka mahusay o magaling. Ito ay madalas na naiuugnay sa salitang abilidad, kakayahan(competency) o kahusayan(proficiency).
 ANG MGA ITO AY:

A.     Kasanayan sa mga tao(People Skills)- Nakikipagtulungan at nakikisama sa iba, magiliw, naglilingkod at naghihikayat sa iba na kumilos, magisip para sa iba.
B.     Kasanayan sa mga Datos ( Data Skills)- Humahawak ng mga dokumento, datos, bilang, naglilista o nag-aayos ng mga files at inoorganisa ito, lumulikha  ng mga sistemang nauukol sa mga trabahong inatang sa kanya.
C.     Kasanayan sa mga Bagaybagay (Things Skills)- Nagpapaandar, nagpapanatili o nagbubuo ng mga makina, inaayos ang mga kagamitan, nakakaunawa at umaayos sa mga piskal at biyolohong functions.
D.    Kasanayan sa mga Ideya ( Idea Skills)- lumulutas ng mga mahihirap at teknikal na bagay at nagpapahayag ng mga saloobin at damdamin sa malikhaing paraan.

2.     HILIG- nasasalamin ito sa mga paboritong gawain na nagpapasaya sa iyo dahil gusto mo at buo ang iyong puso na ibigay ang lahat ng makakaya nang hindi nakakramdam ng pagod o pagkabagot. Ang mga ito ay:
A.     Realistic- ang taong nasa ganitong interes ay mas masisiyahan sa pagbuo ng mga bagay gamit ang kanilang mga malikhaing kamay o gamit ang mga kasangkapan kaysa makihalubilo sa mga tao at makipagpalitan ng opinion.
B.     Investigative- Ang mga nasa ganitong interes ay mas gusting magtrabaho nang mag-isa. Sila ay mayaman sa ideya at malikhain sa mga kakayahang pang-agham, isa na rito ang mga pananaliksik, mapanuri malalim, matatalino at task-oriented ang mga katangian nila.
C.     Artistic- Ang mga tang may mataas na interes ditto ay mailalarawan bilang Malaya at malikhain, mataas ang imahinasyon at may malawak na isipan. Nais nila ang mga gawaing may kaugnayan sa wika, sining, musika, pag-arte, pagsulat, at iba pa.
D.     Social- ang mga nasa ganitong grupo ay kakakitaan ng pagiging palakaibigan, popular at responsible. Gusto nila makipag interaksyon at pinapaligiran ng mga tao. Interesado sa mga talakayan ng mga problema o sitwasyon ng iba at mga katulad na gawain.
E.     Enterprising- likas sa mga taong may ganitong grupo ang pagiging mapanghikayat, mahusay mangumbinsi ng iba para sa pagkamit ng inaasahan o target goals.
F.      Conventional- ang mga grupong ito ay mataas ang interes sa panuntunan at direksiyon, kumikilos sila nang ayon sa tiyak na inaasahan sa kanila. Sila ay maaring mailalarawang matiyaga, mapanagutan, at mahinahon. Masaya sila sa gawaing tiyak, may sistemang sinusunod, maayos ang mga datos at organisado ang record.

3.     PAGPAPAHALAGA (VALUES) – ito ang mga bagay na pinagsisikapan mong abutin, binibigyan ng pagmamahal, masaya sa ginagawa dahil ditto niya nakikita ang kaganapan ng kaniyang mga pinili at pinahalagahang katangian.
 Ang mga halimbawa nito ay:
A.     Pagtulong sa lipunan (Helping Society)
B.     PAgtulong sa Kapwa (Helping others)
C.     Kompetisiyon (Competition)
D.     Pagka-malikhain ( Creativity)
E.     PAgka-malikhain sa sining ( Artistic Creativity/ Aesthetics)
F.      Kaalaman ( Knowledge)
G.    Pakikisalamuha s akapwa ( Public Contact)
H.    Paggawa ng nag-iisa (Working Alone)
I.       Relihiyoso ( Religious)
J.       Pagkilala sa bagay na nagawa ( Recognition)
K.     Pisikal na kalakasan (Physical strength)
L.      Pagiging Matalino ( Intellectual Status)
M.   Kayamanan/ Karangyaan (Profit gain)
N.    Kasiyahan sa ginagawa ( Fun)
O.    Pakikiisa sa mga gawain kasama ang iba (Working with others)
P.     PAkikipag sapalarnan ( Adventure)
Q.    Kasarinlan, kalayaan gawin ang nais ng hindi umaasa sa iba ( Independence)
R.     Kahusayan sa paggamit ng makabagong techmolohiya (Technology)

4.     MITHIIN- hindi lang material na bagay ang mangibabaw kundi ang pakikibahagi para sa kabutihang panlahat. Ang tunguhing pangmatagalan na pinagsusumikapang makamit.

Panlabas na salik: 
5.     KATAYUANG PINANSIYAL-  mahalagang isaalang-alang din ang kasalukuyang kalagayan at ang kakayahang pinansiyal ng iyong magulang. Gayundin ang mga taong nagbibigay ng suportang pinansiyal sa iyong pag-aaral.

Mga dapat tandaan:
1.     Angkop ba ang kursong kukunin ko sa estado ng kakayahang pinansiyal ng mga magulang ko?

2.     Kakayanin ko ba ang demand sa akin kung kukuha ako ng kursong akademiko?





Mga Komento

Sinabi ni Charisse Villareal
Thank you pO sa reviewer ❤️
Sinabi ni Jamaita Anunciado
:-) verygood charisse.

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL