PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY- Modyul 14


Naranasan mo na bang pumunta sa isang lugar na hindi mo alam?

paano kung naligaw ka?

Ano kaya ang mangyayari sa yo?

Ang layunin ng araling ito ay magabayan ka upang magkaroon ng tamang direksiyon sa track o kurso na iyong pipiliin.

Sa pamamagitan nito, makikita mo ang kahalagahan ng iyong buhay.

Handa ka na?

Ano ang motto ng iyong buhay?


Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay(PPMB) ay katulad din ng isang personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dulaloy ang iyong buhay.

Magiging batayan mo ito sa iyong mga gagawin na mga pagpapasiya sa araw-araw. 

Ang iyong Misyon/motto ay nagsisilbing simula na matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay.


                               Begin with the End in Mind
                               Ayon kay Stephen Covey 
                                sa kaniyang Aklat na  
                                              7 habits of highly effective People




Ayon sa kanya, Nararapat na malinaw na sa iyong isip ang isang malaking larawan kung ano ang nains mong mang yari sa iyong buhay.

Mahalagang kilalanin mo nang mabuti ang iyong sarili at suriin ang iyong katangian, pagpapahalaga at layunin.

Mag-isip ng nais mong mangyari sa hinaharap at magpasiya sa direksiyon na iyong tatahakin sa iyong buhay upang matiyak na ang bawat hakbang ay patungo sa mabuti at tamang direksiyon.

Nararapat na ang iyong PPMB ay naiiugnay mo sa iyong pag-uugali at paniniwala sa buhay.


___Mga dapat isaalang-alang sa pansariling pagtataya___

1. Suriin ang iyong ugali at katangian
2. tukuyin ang iyong pinahahalagahan
3. Tipunin ang mga impormasiyon





All of us are 
creators of our
 own Destiny

Ano ang layunin ko sa buhay?
Ano-ano ang aking mga pagpapahalaga?
Ano ang mga nais kong marating?
Sino ang mga tao na maari kong makasama at maging kaagapay sa aking buhay?

Ito ang mga dapat mong sagutin sa pagbuo ng iyong Personal na MIsyon sa Buhay.




Ang PPMB ay maaring mabago o mapalitan dahil s apatuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon na nagyayari sa kaniyang buhay.


Misyon- ito ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya tungo sa kaganapan.

Bokasyon- galing sa latin na salita "vocatio" meaning calling o tawag. Ito ay malinaw na ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na gampanan ang misyon na ipinagkaloob niya sa atin

Propesyon- Trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal na ginagawa at naging eksperto na siya dito.





.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL