Self-Learning Modules sa Edukasyon sa Pagpapakatao-9: Division of Caloocan City: Baesa High School: Week 1 and 2

Isang Mapagpalang Araw!

Kumusta po kayong lahat? Lalo na sa aking mga mag-aaral na nasa Baitang 9 sa Baesa High School. 
Naway nasa mabuti at malusog po kayong kalagayan.
Ipinagdadasal ko din po na ang bawat isa sa atin ay laging gabayan ng Panginoon.

Sa kabila ng mga pagsubok na ating pinagdaan sa mga nakalipas na buwan ay nagpapasalamat po ako at kayo ay hindi nawawalan ng pag-asa. Ipinagpatuloy nyo pa din po ang pag-aaral ninyo/ng inyong mga anak sa kabila ng ating kinakaharap ng sitwasyon.

Ngayon po, bilang panimulang gawain sa unang linggo ng ating pagbabalik, ay tatalakayin po natin ang tungkol sa Lipunan.

Ano ang Lipunan?

Ano ang layunin nito?

Bakit may lipunan?

Ano-ano ang lipunan?

Sino-sino ang nasa Lipunan.

Lahat po ng ito ay tatalakayin natin sa pamamagitan ng Online Class Meeting/ Asynchronous Video Classroom/ TV Broadcasting at ang Modular.

Lahat po ng mag-aaral na hawak ko, ay kinakailangang may kopya ng SLM (Self Learning Module sa ESP-9) maaring ito ay printed mula sa learning pack na ibinigay ng paaralan, or ang soft copy or ang downloaded na SLM document. Alin man dito printed or soft copy ay maaring gamitin. 

Para po sa mga walang Printed Copy ng SLM (Student Learning Module) Maari po ninyong e-download ang module na nasa baba, Piliin lamang po kung anong klase ng file ang nais mong e-download. Maaring PDF file or Document file. PAREHO lang po ang dalawang ito.











    •  
      Kapag mayroon na po kayong kopya, maaari nyo na pong sagutan ang mga SLM (self learning module). Kung mayroon kayong mga katanungan, Maaring magtanong sa magulang or sa mas nakakatanda para gabayan ka.

      Maaari ding kontakin ang inyong guro sa pamamagitan ng kanilang mga ibinigay na platform gaya ng FB page, messenger, google classroom, at cellphone numbers. 

      Para sa aking klase (lagi pong bukas ang aking FB messenger, cellphone number at ang google classroom)

      Meron din akong mga inihandang Self Learning Videos kung paano ito gagawin. Tignan lamang ang video na inihanda sa inyo na nakapost sa FG page, sa Messenger, at sa Google Classroom.


      Ano ang gagawin kapag natapos nang sagutan ang mga modules?

      Maraming paraan para maipasa ang mga nasagutang Self Learning Module 

      Una, maari itong ibalik sa paaralan kung saa ito kinuha or sa barangay. (kung saan ang napagkasunduang lugar) 

      Pangalawa: Picturan ang mga nasagutang Worksheets at Activities at e-upload ito sa "Learning Platform na opisyal ninyong ginagamit, gaya ng Google Classroom, LMS, or Private Messenger.

      Tatawagan or e-tetext kayo ng mga guro sa oras na nakuha na nila ang inyong mga nasagutang Learning Module.

      Mga Komento

      Mga sikat na post sa blog na ito

      Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

      MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

      WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL