INSTRUCTIONAL GUIDE FOR PARENTS AND STUDENTS: for Online, Modular, TV and Radio Broadcasting in the Philippines
"Paalala"
National Capital
Region
Schools Division
Office
Caloocan City
PATNUBAY NG
MAG-AARAL
I. PAGHAHANDA NG MAG-AARAL:
A. Gumising ng maaga at gawin ang paghahanda
sa sarili para sa iyong pakikipag-usap sa iyong guro gamit ang FB messenger.
B. Ayusin ang iyong lugar-aralan sa inyong
tahanan, siguraduhing ito ay maayos,
komportable at walang magiging sagabal sa iyong pag-aaral.
Isipin na ikaw ay nasa loob ng ating silid
aralan.
C. Ihanda at siguraduhin na nasagutan mo ang mga Gawain sa Modyul at Learner’s Weekly Home Learning Task na may kaugnayan sa paksang inaral upang mas maayos na maitatanong ang mga aralin na hindi natapos. Nangangailangan ng ibayong paglilinaw mula sa iyong guro para sa mga gawaing hindi naintindihan. Ngunit mangyaring ipaalam ito ng mas maaga sa kaniya upang maiayos ang oras na para sa iyo, sakaling wala pa ang nakalaang araw ng iyong pakikipag-usap sa FB messenger.
Paano Gamitin ang Modyul?
Bago simulan ang gawain sa modyul, kailangang
isantabi mo muna ang lahat ng iyong pinagkakaabalahan upang mabigyang-pokus ang iyong
gagawing pag-aaral gamit ang modyul na ito. Ang mga nakasaad sa aralin ay
makakatulong sa paghubog ng iyong pagkatao, daan upang ikaw ay magkaroon ng
tamang pagdedesisyon sa iyong pang-araw–araw na pamumuhay, maging responsible,
at produktibong mamamayan na may malasakit sa kalikasan at pagmamahal sa Diyos
at bayan.
Basahin ang mga
simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin ng bawat aralin.
1. Basahin at
unawaing mabuti ang mga panutong nakasaad sa bawat pahina at isulat ang
mahahalagang impormasyon sa iyong kwaderno upang mas madali mong matandaan ang
mga konsepto na makakatulong sa iyong pagkatuto. Kung may mga katanungan, humingi ng tulong
sa magulang, kasama sa bahay o sa iyong guro sa takdang araw na inilaan sa
iyong asignatura.
2. Sagutan ang mga
gawain at pagsasanay nang buong husay at katapatan.
3. Pag-aralang
mabuti ang pangwakas na pagsusulit upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto.
Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang idagdag na pagsasanay
para lalong malinang ang mga kasanayan na dapat malaman at matutuhan.
4. Nawa’y maging masaya at Gabayan ka Nawa ng DIYOS sa iyong pag-aaral.
PATNUBAY NG MAGULANG
- Paraan ng Paghahatid ng Modyul:
1. Makukuha ang learning packet kalakip ang self-learning module ( SLM) ayon sa itinalaga ng paaralan,
maaaring ito ay sa inyong barangay o sa pinagkasunduang lugar. Sakaling ikaw ay
walang panahon, mangyaring ito ay ipakuha sa sino mang nakatatanda na may pahintulot na
lumabas sa panahon ng quarantine.
2. Sakaling may di-inaasahan na pangyayari at
hindi nakakuha ng kopya ng modyul maaaring makahingi ng soft copy sa guro kung ikaw ay may sapat na koneksiyon gamit ang FB messenger at ito
ay iyong iprint.
3. Humingi ng tulong sa guro sa mga panahong
may mga katanungan ukol sa pag-aaral ng iyong anak, ngunit mangyaring ipaalam
ito nang mas maaga upang maiayos ang oras na para sa iyo.
4. Ang self-learning module ay ibabalik ng magulang o sinumang may pahintulot na lumabas, sa paaralan kung saan muli kayong bibigyan ng panibagong modyul na kailangang sagutan.
- Paghahanda ng
magulang/guardian:
1. Gisingin ng
maaga ang iyong anak, tulungan na maihanda ang kaniyang sarili ng maayos para
sa pakikipag-usap sa guro via FB messenger at ikondisyon ang isipan ng BATA na
siya ay nasa loob ng silid-aralan.
2. Magtalaga ng
isang lugar sa tahanan na magagamit bilang lugar-aralan ng bata at siguraduhin na ito po ay kaaya-aya at komportable. Hinihiling po namin na iwasan ang
mga sitwasyon na makakasagabal sa mabisang pag-aaral ng bata.
3. Ihanda at siguraduhin na nasagutan ng mag-aaral ang mga gawain sa modyul at Learner’s Weekly Home Learning Task na may kaugnayan sa paksang inaral upang mas maayos na maitatanong ang mga aralin na nangangailangan ng ibayong paglilinaw mula sa guro.
- Pagtatapos ng
mga Gawain:
1. Ang Parents’ Monitoring Checklist ay ginawa upang masundan ang kalagayan ng
pag-aaral ng bata. Hinihiling po namin
na lagyan ng karampatang puna at pahayag ang bawat aralin na di-natapos.
2. TANDAAN, AKO bilang kaniyang guro at IKAW, bilang mga magulang, ay mga
kaagapay ng iyong anak sa kaniyang pagkatuto, gawing daan ito upang lalo mong maunawaan ang
iyong anak sa kaniyang pagtahak sa paghubog ng kaniyang kaalaman at pagkatao sa
darating na panahon.
3. MARAMING SALAMAT MAHAL NAMING MAGULANG.
Mga Komento