Self-Learning Modules sa Edukasyon sa Pagpapakatao-9: Division of Caloocan City: Baesa High School: Week 1 and 2
Isang Mapagpalang Araw! Kumusta po kayong lahat? Lalo na sa aking mga mag-aaral na nasa Baitang 9 sa Baesa High School. Naway nasa mabuti at malusog po kayong kalagayan. Ipinagdadasal ko din po na ang bawat isa sa atin ay laging gabayan ng Panginoon. Sa kabila ng mga pagsubok na ating pinagdaan sa mga nakalipas na buwan ay nagpapasalamat po ako at kayo ay hindi nawawalan ng pag-asa. Ipinagpatuloy nyo pa din po ang pag-aaral ninyo/ng inyong mga anak sa kabila ng ating kinakaharap ng sitwasyon. Ngayon po, bilang panimulang gawain sa unang linggo ng ating pagbabalik, ay tatalakayin po natin ang tungkol sa Lipunan. Ano ang Lipunan? Ano ang layunin nito? Bakit may lipunan? Ano-ano ang lipunan? Sino-sino ang nasa Lipunan. Lahat po ng ito ay tatalakayin natin sa pamamagitan ng Online Class Meeting/ Asynchronous Video Classroom/ TV Broadcasting at ang Modular. Lahat po ng mag-aaral na hawak ko, ay kinakailangang may kopya ng SLM (Self Learning Module sa ESP-9) maaring ito ay printed m...