Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2020

RECIPE PARA SA MATIWASAY NA LIPUNAN-SAMPLE

Imahe
Modyul 1: Layunin ng Lipunan: Kabutihang Panlahat Gawain 2 Panuto: Siguradong nakakita ka na ng recipe para sa pagluluto ng isang pagkain. Malinaw na nakasulat dito ang mga sangkap at ang sukat ng mga ito. nakasulat din ang malinaw na detalye ng paraan ng pagluluto nito. Kung isusulat natin ang recipe para sa matiwasay na lipunan, Ano kaya ang sangkap nito at paano kaya ito makakamit? halimbawa: video by: Martin Verdejo, 9-A Narito ang mga nilalaman nito: * Sangkap na kinakailangan upang matiyak ang katiwasayan ng lipunan * Mga tiyak na sukat nito , katulad ng tasa, kutsara o kutsarita, kilo, o gramo at iba pa na kakatawan ng mga elemento ng lipunan. *Pamamaraan kung paano magagamit ang mga sangkap na inilagay  Matapos ang iyong gawain ay sagutan ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos maisagawa ang gawain? 2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa pagkakaroon ng matiwasay na lipunan?Ipal...

PERSONAL NA PAHAYAG NG MISYON SA BUHAY- Modyul 14

Imahe
Naranasan mo na bang pumunta sa isang lugar na hindi mo alam? paano kung naligaw ka? Ano kaya ang mangyayari sa yo? Ang layunin ng araling ito ay magabayan ka upang magkaroon ng tamang direksiyon sa track o kurso na iyong pipiliin. Sa pamamagitan nito, makikita mo ang kahalagahan ng iyong buhay. Handa ka na? Ano ang motto ng iyong buhay? Ang Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay(PPMB) ay katulad din ng isang personal na kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dulaloy ang iyong buhay. Magiging batayan mo ito sa iyong mga gagawin na mga pagpapasiya sa araw-araw.  Ang iyong Misyon/motto ay nagsisilbing simula na matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay.                                Begin with the End in Mind         ...

Mga Pansariling Salik sa Pagpili ng Track o Kurso Daan sa Maayos at Maunlad na Hinaharap (Chapter Test) Sample

Imahe
Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat ang tamang sagut sa patlang bago ang bilang. I.                  Identification 1.   Ito ay talinong/talentong kaugnay sa pag-uulit, ritmo, o musika. 2.Mga grupo ng taong mahilig sa pagoorganisa ng mga datos, nais ang mga bagay ay detalyado,   at nakaayos. 3.Ito ay talino/talento sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan at pag-unawa sa kalikasan at sa buhay. 4. Ang taong may talinong/talentong ito ay natututo sa pamamagitan ng sariling damdamin, pananaw at halaga. 5. Ito ay grupo ng mga taong mahilig manghikayat, mang impluwensiya, maging isang lider. 6.   Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-ugnayan sa ibang tao. 7.   Ito ay talinong/talentong kaugnay ng lohika, paghahalaw at numero. 8. Ito ay grupo ng mga taong mahilig sa sining, makabago o maylikas na galing sa mga gawaing malikhain. 9.Ito ang t...