SIBIKA-2 2nd quarter worksheet


III.  MGA MAKASAYSAYANG LUGAR SA PILIPINAS
Panuto:  Pagtapatin ang makasaysayang pook ng Pilipinas na tinutuloy ng pbawat pangungusap. Isulat ang titiksa patlang.






______ 1. Dito matatagpuan ang krus na naging tanda ng paglaganap ng Kristyanismo sa ating
bansa.  Ang pamayanan nina Raha Humabon ang unang katutubo na naging Kristiyano.
______ 2. Sa makasaysayang pook na ito binaril ang ating pambansang bayani.  
______ 3.  Sa lugar na ito ipinakita ni Lapu-Lapu ang kanyang katapangan at pagmamahal ng ating bayan.
______ 4. Itinayo ito bilang parangal sa katapangan at kagitingan ng mg sundalong Pilipino at
Amerikano na nakipaglaban sa mga Hapon noong 1942.
______ 5. Sa lugar na ito nag-oopisina ang pangulo ng Pilipinas.
______ 6. Ikinulong dito si Jose Rizal ng mga Espanyol. 
______ 7. Ito ay matatagpuan sa Calamba, Laguna kung saan unang natutong bumasa at sumulat
ang ating pambansang bayani.
______ 8. Iwinagayway sa unang pagkakataon ang watawat ng Pilipinas sa lugar na ito.
______ 9. Ang laban noong Mayo 1, 1898 sa lugar na ito ang naging unang hudyat ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. 
______ 10. Ito ay isang simbahan na may mahen ni Birheng Maria sa tuktok bilang pag-alala sa
People Power 1 at 2.

Panuto:  Isulat ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Ito ay isang pulo na malapit sa Look ng Maynila.  Nandito ang Pacific War Memorial kung saan ginugunita ang katapangan ng mga sundalong lumaban sa mga Hapones noong kalawang Digmaang Pandaigdig.
  A. Rizal Shrine  B. Malacanang  C. Corregidor

_____ 2. Sa lugar na ito itinayo ang isang rebulton ni Lapu-lapu, ang kauna-unahang bayaning Pilipino na tumutol sa pananakop ng mga Espanol.
  A. Pulo ng Mactan  B. Kosko ng Krus ni Magellan C. EDSA Shrine

_____ 3. Dito ikinulong si Dr. Jose Rizal bago siya binaril sa Luneta.
  A. Corregidor   B. Fort Santiago  C. Kawit, Cavite

_____ 4. Sa lugar na ito naninirahan ang Pangulo nga ating bansa.  
  A. Fort Santiago  B. Malacanang  C. Rizal Shrine

_____ 5. Sa Lungsod ng Cebu nakatayo ang bantayog na ito kung saan sinasabing nagtirik ng krus ang mgaEspanol noong una sila dumating sa Pilipinas.
  A.  Kosko ng Krus ni Magellan B. EDSA Shrine C. Mabini Shrine
_____ 6. Sa makasaysayang lugar na ito sa Malolos, Bulacan nilagdaan ang unang Saligang Batas ng Pilipinas.  
  A. EDSA Shrine  B. Simbahan ng Barasoain C. Malacang

_____ 7. Isa rin itong tanda ng pagpapahalaga ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na lumaban sa mgaHapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay matatagpuan sa Bundok ng Samat sa Bataan.
  A. Dambana ng Kagitingan B. Kosko ng Krus ni Magellan C. Mabini Shrine

_____ 8. Bagumbayan ang dating tawag sa makasaysayang lugar na ito kung saan binaril ang ating pambansang bayani.
  A. Rizal Park   B. Pulo ng Mactan  C. Rizal Shrine

_____ 9. Dito naganap ang People Power Revolution at ang People Power 2.
  A. Mabini Shrine  B. Rizal Shrine  C. EDSA Shrine

_____ 10. Sa lugar na ito unang itinaas ang unang watawat ng ating bansa noong ika-12 ng Hunyo, taong 1898.
  A. Corregidor   B. Kawit, Cavite  C. Pulo ng Mactan

_____ 11. Ang lugar na ito ay nasa ibaba ng Tulay ng Maynila at ang naging tahanan Apolinario Mabini.
  A. Rizal Shrine  B. EDSA Shrine  C. Mabini Shrine


IV. PAGDIRIWANG NA PANSIBIKO


Panuto:  Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.  
________ 1. Inaalala dito ang paghihirap at pagkamatay sa Krus ni Hesus.  Iginaganap tuwing Marso/Abril.
A.  Ramadan     B.   Mahal na Araw   C.  Ati-atihan

________ 2. Tuwing lingo ng Oktubre 19, ipinagdiriwang ito ng mga taga-Bacolod sa pamamagitan ng  pagsuot ng iba’t ibang maskarang nakangiti.
A.  Ati-atihan  B.  Pasko   C. Ang Masskara

________ 3. Inaalala natin sa araw na ito ang mga yumao nating mahal sa buhay. Ginaganap tuwing Nobyembre 2.
A.  Araw ng mga Patay  B.  Mahal na Araw   C. Santacruzan

________ 4. Ginaganap ito tuwing Mayo.  Isinasabuhay dito ang paghanap ni Sta. Elena at ang kanyang anak na si Constantino sa banal na krus na pinagpakuan kay Kristo.  
A.  Mahal na Araw   B.  Ati-atihan   C. Santacruzan

________ 5. Inaalala natin dito ang pagsilang ni Hesus. 
A.  Mahal na Araw B. Pasko   C. Santacruzan
________6.  Ito ay isang pista sa Aklan upang gunitain ang mapayapang pagkakasundo ng mga ninuno nating           Ati sa pagdating ng mga Malay. 
A.  Ang Masskara  B. Ati-atihan   C. Araw ng mga Patay

________ 7.  Sa pagdiriwang nito, nagsasabit tayo ng mga banderitas at haghahanda ng mga pagkain.  
A.  Mahal na Araw B. Ati-atihan   C. Pistang Bayan

________8.  Sa panahon na ito, ang mga Muslim ay kumakain  at umiinom lamang bago sumikat ang  araw bilang          tanda ng kanilang pag-aayuno.
A.  Mahal na Araw  B.  Ramadan   C. Santacruzan

V. SAGISAG NG BANSA

Panuto: Isulat ang TITIK ng tamang sagot sa patlang. 
 a. Filipino                     f. bangus                   k.  carinosa
            b. barong Tagalog       g. sampagita                 l.   Jose P. Rizal
  at baro’t saya
 c. mangga                   h. sipa                          m.  Jose Palma
            d. anahaw                     i. litson                       n.   Manuel L. Quezon  
 e. kalabaw                   j. narra                           o.   Julian Felipe


______ 1.   Sinasagisag nito ang pagiging  mahinhin ng dalagang Filipina.
______ 2. pambansang bayani na isang mahusay na pintor, doktor, eskultor at manunulat
______ 3. pambansang bulaklak na kulay puti, maliit at mabango
______ 4. Sinasagisag nito ang pagiging matiyaga ng mga Filipino.
______ 5. Katatagan at tibay ng loob ng mga Filipino ang sinasagisag nito.
______ 6. pambansang kasuotan
______ 7. pambansang wika 
______ 8. Sinasagisag nito ang pagkakaroon ng ginintuang puso at kagandahang loob ng mga 
Filipino.
______ 9. Tulad ng kaliskis nito, ang mga Filipino ay lagi ring nagsasama-sama at nagkakaisa.
______ 10. Kasaganahan ang sinasagisag nito.
______ 11. Sinasagisag nito ang pagiging laging handa ng mga Filipino.
______ 12. Ang pambansang laro na naitutulad sa bilis at liksi ng mga Filipino.
______ 13. Siya ang sumulat ng titik ng Lupang Hinirang.
______ 14. Siya ang lumikha ng tugtugin ng Lupang Hinirang. 
______ 15. Siya ang Ama ng Wikang Pambansa.





PANUTO: Bilugan ang tamang sagot
1. Kulay puti at maliit na bulaklak. Ginagawa itong kwentas
a. Nara  b. Sampaguita  c. Mangga d. Waterlily
2. Magaganda at makukulay ito. Gawa ng manipis na materyales. Tinatawag na pambansang kasuotan ng mga lalake
a. Tuxedo b. Baro at saya c. Gown d. Barong tagalong
3. Ito ay katulong sa magsasaka sa paggawa ng bukid. Sila ay malalakas na hayop
a. Baboy b. Kalabaw c. Haribon d. Bangus
4. Tinatawag sila na pinakamalaki ant pinakmagandang ibon sa buong mundo
a. Parrot b. Loro c. Philippine Eagle d. Bibe
5. Ginagamit ito sa paggawa ng mga mesa, upuan, kabinet, kama at iba pang kasangkpan sa bahay
a. Mahogany b. Acacia c. Yantok d. Narra
6. Matamis at kulay dilaw kung ito ay hinog na. Sumasagisag ng ginintuang puso ng mga Pilipino. 
a. Saging b. Santol c. Mangga d. Durian
7. Sepak takraw ang tawag sa laro na ito. Ginagamit ang paa, balikat at hita sa pag sipa nga bola. Ang bola ay gawa
sa rattan.
a. Volleyball b. Soccer c. Basketball sipa
8. Masigla na sayaw
a. Carinosa b. Breakdance c. Hiphop d.  Rock

VI. IBA PANG SAGISAG NG BANSA

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
_________1. Pinakamahalagang pambansang sagisag ng Pilipinas
_________2. Pambansang Wika
_________3. Pambansang Bayani
_________4. Pambansang Bulaklak
_________5. Pambansang Hayop
_________6. Pambansang Laro
_________7. Pambansang Kasuotan ng Lalake
_________8. Pambansang Prutas
_________9. Pambansang Ibon
_________10. Pambansang Sayaw
_________11. Pambansang Awit
_________12. PAmbansang Kasuotan ng babae



Mga Komento

Sinabi ni Summer
Paano mo makukuha yung answer? Thanks
Sinabi ni Sheen Yi
Paano makakuha ng sagot?
Sinabi ni Sheen Yi
Paano makakuha ng sagot?

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL