Filipino 2 Reviewer
Reviewer in Filipino II
I)Isulat sa kahon ang “P” kung ang mga lipon ng salita ay pangungusap at “PR” kung parirala
------- 1) Nagagalak akong Makita kayo
-------2) Ang kaharian ng palasyo
-------3) Kagustuhan ng hari
-------4) Kami ay handang magpa alila sa inyo
-------5) Kaibigan kami ng mga ibon
-------6) Pinatawag ng hari ang pinuno ng mga ibon at aso
-------7) Ang ipis ay parurusahan dahil sa ginawa niyang panghahamak sa mga salagubang
-------8) Mananatili kayo sa mga puno
-------9) Kapiling ng mga bata
------10) Namuhay ng matiwasay
II) Pang-abay
A. Punan ng wastong pang-angkop ang patlang upang mabuo ang diwa nito.
1. Ang maingay _____bata ay sinaway ng guro.
2. Masisispag ¬¬¬¬_____bata ang sumama sa baha-ampunan.
3. Si Fernando Amorsolo ay isang sikat ___pintor.
4. Magaganda______tanawin ang kanyang ipininta.
5. Mahusay ____iskular naman si Guillermo Tolentino.
6. Mataas ___parangal ang nakamit nya sa amerika.
7. Si Lea Salongga ay isa___actress.
8. Marami ___gantimpala ang nakamit ni Levi Selerio.
9. Isang mahusay___atleta si Lydia de vega
10. Ang bago___”cellphone”ay ipinagkaloob niya sa kanyang ina.
III) Isulat sa kaho ang “PS” kung pasalaysay, “PT” kung patanong, “PD” kung padamdam, at “PK” kung pakiusap
___1) Gamitin mo ang laptop ko
___2) Bago ang television naming
3) Saan matatagpuan ang kanilang tanggapan?
4) Pakikuha mo nga po ang bag ko.
5) Mabango ang bulakkak ng sampagita
6) Hala! Nadapa ang bata
7) Puwede po ba ninyo akong samahan sa palengke
8) Pakisara po yung pinto ng bahay
9) Hala! Nahulog ang prutas sa basket
10) kumain ka na po ba?
11) Maganda ang bahay naming
12) Maganda po ba kayo?
13) Oops! Nahulog ang dala ko na ice cream
14) Saan ka po pumunta kanina?
15) Pakikuha mo nga po yung papel sa bag ko
16) Kailangan nating mapangalagaan ang kapaligiran
17) Naku! Ang ganda ng bago mong damit
18) Bakit ka po umuwi ng gabi?
19) Sino ang kalihim ng kagawaran ng kalusugan?
20) Magtanim ka ng mga halaman at puno sa likod ng bakuran
Mga Komento