QUARTER 3 WEEK 7-8 (PAGSASABUHAY)

 ASYNCHRONOUS CLASSROOM


    Ang ORAS ay kaloob na ipinagkatiwala sa tao. Ang konsepto ng pagiging katiwala ay nagmumula sa prinsipyo na mayroong nagmamay-ari ng mga bagay at pag-aari. Sa ganitong diwa tayo ay mga katiwala. Tayo ay ginagawang katiwala ng may-ari ng lahat ng bagay-isa na rito ang oras.


    Bilang katiwala, tinatawag tayo na gamitin ang oras nang may pananagutan sapagkat hindi ito magbabalik kailanman. Kakambal sa katotohanang ito ang tungkulin na gamitinnatin ang oras nang maayos sa ating paggawa para sa kabutihan ng lahat- sa sarili, pamilya, lipunan, at bansa. Ang pagiging katiwala ng oras ay tungkulin  natin sa buhay at mararapat na landas ng ating buhay.

    Mahalaga na mayroon kang sapat na oras para sa sariling pag-unlad, oras para sa pamilya, oras para sa paglilingkod sa kapwa at sa lipunan, oras para sa pamamahinga at paglilibang, at oras para sa iyong ugnayan sa Diyos.

    Ang oras ay di tulad ng salapi na maaring ipunin sa isang alkansiya o bangko na kapag kailangan mo na ng extra na dalawang oras para sa isang araw ay makakakuha ka rito. Ang bawat tao ay pinagkalooban lamang ng Diyos ng 24 oras sa loob ng isang araw sa bawat sanglinggo (24/7).

    Kapag ang oras ay lumipas na, hindi na ito maaaring maibalik, ni hindi ka makakahiram o makakautang kanino man ng extra oras para yong magamit. Ang mabuting katiwala ay pinamamahalaan ang paggamit ng kaniyang oras.

    Mapapamahalaan mo ang oras dahil ito ay pirmihan (constant) na pasulong at hindi pabalik. Ang pamamahala mo sa paggamit ng oras ay hindi pagmamanipula nito, Kundi ang pagsusumikap na mapamahalaan ito nang mabuti sa paggawa mo ng mga bagay para sa iyong sarili, sa pamilya, kapuwa at sa lipunang iyong kinabibilangan.

    Ang pamamahlaa sa oras ay tumutukoy sa kakayahan mo sa epektibo at produktibong paggamit nito sa paggawa. Ito ay isang tahasang aksiyon ng pagkontrol sa dami ng orass na gugugulin sa isang ispesipikong gawain. Sa pamamagitan ng pamamahala sa paggamit ng oras tataas ang Produktibilidad, pagkamabisa at kagalingan mo sa paggawa. 

NGAYONG LINGGONG ITO, BILANG BAHAGI NG IYONG PAGSASABUHAY , bubuo ka ng isang ISKEDYUL sa PANG-AARAW-ARAW MO NA GAWAIN SA LOOB NG ISANG LINGGO SA BUWAN NA ITO.

GAMITING GABAY ANG HALIMBAWA SA IBABA.

        
                                 Pagsasabuuhay
   Panuto:
            1. sa isang Malinis na Kartolina (anumang kulay) bumuo na isang MALIKHAING PAGGAWA ng iyong iskedyul sa pang-araw-araw mo na gawain sa loob ng isang linggo sa buwan na ito.

            2. Isulat ang Kabuoang tunguhin: Halimbawa ( Napapamahalaan ko ang paggawa tungo sa pagiging mapanagutang mag-aaral at mamamayan ng bansa). Mag-isip na iyong sariling tunguhin or goal.

            3. Sa pinaka-baba ng iyong iskedyul, lagyan ng pirma ng magulang/guardian at komento. Huwag kalimutang papirmahan at palagyan ng komento mula sa iyong magulang or guardian.

            4. Idikit ito sa iyong kwarto (o bahagi ng tahanan na madaling makita at magpapa-alala saiyo sa araw-araw.

            5. Kuhanan ito ng Litrato at i-pasa sa inyong FB-GC room. 

            6. Sa abot ng iyong makakaya, susundin at gagawin ang nakasulat sa iyong iskedyul sa loob ng isang linggo.

            7. Gamitin ang Petsa ( Mayo 3- 10, 2021) para sa iyong skwedyul.

            8. Gamiting format ang larawan sa ibaba.




 Paalala: Kung may mga katanungan, maaring mag tanong sa inyong FB-GC.





Karagdagang kaalaman:

        Ang pagkakaroon ng iskedyul ay isang mabisang paraan upang mapangasiwaan mo ang mga bagay na mahalaga sa iyo. at sa iyong paggawa.

    Malaking bahagi sa pamamahala sa paggamit ng oras ay mula sa epektibong pag-iiskedyul ng iyong mga gawain. Kung alam mo na ang iyong mga tunguhin at prayoridad sa paggawa, ay handa ka ng gumawa ng iskedyul na mapapanatili sa iyo sa direksiyon ng iyong paggawa at magpoprotekta sa iyo mula sa tensiyon.

Mga Komento

Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
A-19
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
D-Del Rosario
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
A-45
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
A-47
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
A-35
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
A-31
Sinabi ni Unknown
Carpio Abegail D.
9-F
Sinabi ni Hindi-nagpakilala…
GLYZIEL A. ZAPE
9-B
Sinabi ni Jay Ann Cobilla
Cobilla,Jay Ann Q.
9-E
Sinabi ni Janrey Bonifacio…
Ayon kay Janrey Bonifacio
9-G

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL