QUARTER 3: WEEK 5 AND WEEK 6
KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI AT PAGTITIPID
Ang isang gawaing na may kalidad ay mahirap maabot kung hindi mo ito lalakipan ng
kasipagan, pagpupunyagi at pagtitipid.
Sa araling ito, naghanda ang guro ng mga gawain kung
saan iyong mailalahad ang mga karanasang nakapagpakita ka ng mga nabanggit na birtyu sa
paggawa at ng wastong pamamahala sa naimpok.
Kaya nga, halina, at sikapin mong maipamalas ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa:
12.1 Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid
at pinamamahalaan ang naimpok.
12.2 Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa
pamantayan at may motibasyon sa paggawa.
12.3 Napatutunayan na:
a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa
itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling pagkatao, kapwa, lipunan at
bansa.
b. Ang mga hirap, pagod at pagdurusa ay nadadaig ng pagpupunyagi tungo sa pagtupad
ng itinakdang mithiin.
12.4 Nakagagawa ng Chart ng pagsunod sa hakbang upang matupad ang itinakdang gawain
nang may kasipagan at pagpupunyagi.
At narito ang mga dapat mong maipasa para sa week 5 at week 6.
1. Paunang Pagsubok
2. Balik-Tanaw
3. Gawain 1
4. Gawain 2
5. Gawain 3
6. Pag-alam sa natutunan
7. Pangwakas na pagsusulit
8. Pagninilay
Para naman sa Performacne task. Ipabasa ang inyong nagawang pagninilay/Journal sa inyong mga magulang, papirmahan at palagyan ng rating mula 1-100. Picturan ito at ipasa sa FB GC. Wag kalimutang lagyan ng Pamagat ang Pagninilay. (halimbawa : Pagninilay (Pagpupunyagi para sa aking masisipag na magulang). kayo ang mag-isip ng inyong nais na pamagat.
Maaring e-download ang Module d2 sa Link na ito...
QUARTER 3 WEEK 5 AND 6 SLM (DOWNLOADABLE)
Para ssa karagdagang mga Learning Resources..
Buksan lamang at basahin ang inyong Student Learning Module sa Pahina 162 hanggang Pahina 177.
Para sa mga katanungan Mag iwan lang ng komento at sa ibaba.
Wag kalimutang Sumali sa Online meeting sa itinakdang oras ng klase.
Mga Komento
9i
9-I
9-I
9-F