QUARTER 3: WEEK 3-4 APRIL 5-14, 2021
ASYNCHRONOUS CLASSROOM
MAHUSAY NA GAWA, SA ORAS NA ITINAKDA
Sa araling ito, kailangang makapaghanda ka ng talaorasan (timer) para sa mga gawaing iyong sasagutan at ang iyong class schedule sa ikawalong baitang upang masagot ang isa pang gawain. Pag-aaralan mo kung paano mo ginugugol ang iyong oras at kung ang naging bunga ng iyong paggawa ay may kagalingan. Hangad ng guro na malinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa sa pag-usad mo sa araling ito:
11.1 Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito
11.2 Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito
11.3 Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan ang Diyos sa mga talentong Kanyang kaloob
11.4 Nakapagtatapos ng isang gawain o produkto na mayroong kalidad o kagalingan sa paggawa at wastong pamamahala sa oras
Ano ang mga dapat na makita sa iyong sagutang papel?
Siguraduhing kompleto ang iyong mga sagot. Gamiting gabay ang checklist sa ibaba.
1. Paunang Pagsubok at mga pamprosesong tanong.
2. Baliktanaw
2. Gawain 1 Pagtatala ng bagay sa loob ng bahay.
3. Gawain 2 dugtungan ang mga guhit. at sagutin ang mga tanong.
4. Gawain 3, pagtatala ng mga gawain sa loob ng isang linggo.
5. Pag-alam sa natutunan: Paggawa ng talahanayan ng iyong gawain
6. Pangwakas na pagsusulit
7. Pagninilay.
AT PARA NAMAN SA PERFORMANCE TASK,
SUMULAT NG ISANG PAGNINILAY/ JOURNAL WRITING. HIWALAY ITO SA IYONG ANSWERSHEETS. PAPIRMAHAN SA MAGULANG OR GUARDIAN ANG IYONG GAWA, AT PALAGYAN NG RATE/MARKA MULA 1-100 POINTS. KUHANAN ITO NG LARAWAN AT I-PADALA SA INYONG MESSENGER GROUP CHAT.
Sa mga wala pang Na download na modules, e click lamang ang link sa baba para makita ang lahat ng kopya ng modules.
LEARNING MATERIALS......
Mga Komento
9-B
9-C
9-C
9-B
9-I
G9B
9C