QUARTER 2 WEEK 6
ASYNCHRONOUS CLASSROOM
Magandang Araw po sa lahat!
Narito po ang mga gawain natin para sa ika-anim na linggo sa ikalawang markahan.
1. GAWAIN 1 ( INTERVIEW/ SURVEY)
Panuto: Ngayon naman, iyong subukang kapanayamin ang ilan sa miyembro ng iyong pamilya na nagtatrabaho o di kaya ay ang mga kakilala mo na manggagawa sa inyong lugar. Pumili ng isa hanggang tatlong tao na iyong kakapanayamin.
Maaaring gumamit ng video call sa pakikipanayam kung hindi posible na makausap mo sila ng personal. Tiyakin lamang na maitatala mo ang kanilang mga naging kasagutan, at kumuha ng mga larawan bilang patunay ng iyong isinagawang interview.
Maaaring gamitin ang simpleng interview form sa ibaba, gayun din ang mga
tanong na kalakip nito sa iyong pakikipanayam.
2. Gawain 2.
3. Pangwakas na pagsusulit.
Panuto: basahin ng mabuti at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang tamang sagot sa inyong kwaderno.
Tama o Mali. Tukuyin at basahin ng may pag-unawa ang bawat pahayag. Isulat angtama kung ang pahayag ay wasto at mali kung ito ay di-wasto.
1. Ang paggawa ay isang bagay na matatakasan sa bawat araw.
2. Ang paggawa ay resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa sariling pangangailangan.
3. Ang tao ay para sa paggawa at hindi ang paggawa para sa tao.
4. Ang panlipunang kalikasan ng paggawa ay hindi nakabatay sa paggawa.
5. Ang pangunahing layunin ng paggawa ay pagkita ng salapi.
6. Ang taong naghahangad na makatulong sa kanyang kapwa sa pamamagitan ng paggawa ay mahalaga upang maitaguyod ang kanyang sariling dignidad.
7. Sa pamamagitan ng paggawa at paglilingkod ay mahuhubog ng tao ang kanyang talento.
8. Bukod sa talento at kakayahan, mas makabubuti na bigyang pansin ng tao ang pagpapa-unlad ng agham at teknolohiya upang maging mas madali ang kanyang pamumuhay.
9. Ang subheto ay gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa, at pagkamalikhiin
10. Ang tao ay gumagawa upang mas higit na makilala ang kanyang sarili, at upang tugunan ang kanyang mga pangangailangan.
At para sa panghuling gawain. Gumawa ng isang Journal (parang Diary entry) ng iyong natutunan sa iyong kwaderno.
Gamiting gabay ang FORMAT sa ibaba.
IPASA ITO SA SUSUNOD NA LINGGO. (MARCH 3, 2021)
Karagdagang "Learning material" para sa aralin.
Video Source: https://www.youtube.com/watch?v=mIdq5n7dUx
GOOD LUCK!
Mga Komento
9-B
A-48
Mahalaga para sa isang tao ang paggawa sapagkat ito ang paraan upang makapaglingkod sa iba at maitaguyod niya ang kanyang dignidad.
Para sakin sa pamamagitan ng paggawa ay mas naitataas pa at naitataguyod ang dignidad ng isang tao, dahil kapag gusto ng tao yung kanyang trabaho mas nailalabas nya yung kakayahan nya bilang isang manggagawa at kapag tumagal pa ito walang kung sino man na ang makakapigil don dahil sa gusto nya yung ginagawa nya as long as na kung ano ang nagpapasaya sayo go for it
9-D
9-H
9-F
9-L
9-F
9-B