QUARTER 2 WEEK 4 :ESP9
ASYNCHRONOUS CLASSROOM
QUARTER 2 WEEK 4
FEBRUARY 8-12, 2021
FINAL SUBMISSION OF OUTPUT IS ON FEB. 17, 2021
Isang mapag palang araw po sa inyo grade 9 students, narito po ang ating learning task para sa ating ika-apat na linggo sa ikalawang markahan.
Para sa pagbabalik tanaw sa nakaraang aralin, maaring panuorin ang Video na nasa ibaba. (Link: https://www.youtube.com/watch?v=mKjuf87PEbU&t=151)
Tandaan:
Iba-iba man ang pormula ng likas na batas moral, itinuturo nito ay isa lamang: hindi kakasangkapanin ang tao. Ituturing ang tao bilang may pinakamataas na halaga at gagawin natin ang lahat upang ingatan at tulungan ang kapwa tungo sa kaniyang kaunlaran. Likas sa tao ang hangarin ang mabuti. Ano ang ibig sabihin nito? Likas sa atin ang maging makatao (panig sa tao) ito ang kaisa-isang batas na hindi dapat labagin ninuman. Sa kasalukuyang sitwasyon na hinarap ngayon, paano natin masasabi na tayo ay makatao? Bilang isang mag-aaral, maipapakita
mo na mahalaga sa iyo ang iyong kapwa sa pamamagitan ng pagsisikap na gumawa ng mabuti at tama sa lahat ng oras at panahon. Isang halimbawa na dito ay ang pananatili sa loob ng tahanan at ang pangangalaga sa sariling kalusugan sa panahon ng pandemya upang hindi lubos na kumalat ang sakit na dulot ng Covid-19.
Narito ang mga karagdagang impormasyon upang mas lubos pang maunawaan ang aralin:
Katangian ng Batas
a. Ang batas ng tao ay kailangang naayon sa Batas Moral- Nangangahulugan ito na ang
lahat ng batas ay may matibay na batayang moral. Ito ay naayon sa batas na gawa ng
Diyos.
b. Ang batas ng tao ay kailangan magpanatili at may tunguhin para sa kabutihang
panlahat. – Mabuti ang batas kung para ito sa kaunlaran ng lahat ng tao at hindi para sa
iilan lamang.
c. Ang batas ng tao ay kailangang makatarungan at walang kinikilingan – Ito ay pantay
na pagpapairal ng batas sa sinumang pangkat ng tao, mayaman man o mahirap.
d. Ang batas ng tao ay kailangang napaiiral at sinusunod ng lahat- Ang mga batas ay
dapat sundin upang malayo sa kapahamakan at para rin sa ikaaayos ng lipunan.
Likas na Batas Moral - ay isang GABAY upang makita ang HALAGA ng tao.
Mabuti - Ito ay pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbuo at pagpapalago ng sarili at ng
mga ugnayan.
Tama - Pagpili ng mabuti batay sa panahon, kasaysayan, at konteksto ng sitwasyon.
Gawain 1.
Pangwakas na pagsusulit.
Mga Komento
9-D
9-D
9-D
9D
9-D
9-D
9-B
9-B
9-B
9-B
9-B
9-B
9-D
9-B
9D
9-C
9-B
9-D
9-B
9B
9J
9-A