Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1
Sa Modyul na ito ay inaasahang masasagot mo ang mga Mahalagang Tanong na: Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? Bakit mahalagang ito ay makamit at mapanatili?? Nakahanda ka na bang makaalam at makialam sa lipunan? Mga kaalaman na inaasahang maipapamalas mo: 1. Natutukoy ang mga element ng kabutihang panlahat. 2. Nakapagsusuri ng mga halimbawa ng pagsasaalang-alang sa kabutihang panlahat sa pamilya, paaralan, pamayanan o lipunan. Ano ang lipunan? - Ang lipunan ay nagmula sa salitang ugat na “lipon” na nangangahulugang pangkat. - Ang mga tao ay may kinabibilangang pangkat na iisa ang tunguhin o layunin. Ano ang halimbawa ng lipunan? - Isang halimbawa nito ay ang pangkat ng mga mamamahayag ( ABS-CBN news or GMA news) sila ay may iisang tunguhin o layuning maghatid ng mga bagong balitang nagaganap sa bansa at sa daigdig.Tinitiyak nila na makararating ito sa mga tao
Mga Komento