ESP 9 WEEK 1: GAWAIN 2 (MELC BASED)
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Week 1
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang Kuwento
Ang Modelong Pamayanan
ni Helen V. Diaz
Nagmula sa San Fabian Pangasinan ang magkababata na sina
Liza at Lito. Nang makapagtapos sila ng elementarya, si Liza ay lumuwas na ng
Maynila kasama ang kanyang pamilya upang doon na ipagpatuloy ang kanyang
pag-aaral. Apat na taon na ang nakalipas nang muli siyang dumalaw sa San
Fabian. Laking tuwa ni Lito ng ito ay kanyang malaman kaya’t agad siyang
tumungo sa kamag-anakan na tinutuluyan ni Liza at magiliw niya itong
inanyayahang lumibot sa kanilang pamayanan. Laking gulat ni Liza sa namalas na
pagbabago ng kanilang lugar. “Hindi ko inaasahang ganito kaganda, kalinis at
kaunlad na ang ating lugar” sambit ni Liza, “ah yan ba, dahil iyan sa mga
kabataan dito, kami na ang namamahala pagdating sa kalinisan ng ating
pamayanan”ang sagot ni Lito.
“Itong lupa na
ating kinatatayuan ngayon ay ibinigay ni Don Fabian para sa mga taga- rito, kuwento
ni Lito. Napakalawak at maraming iba’t ibang
tanim may mais at napakaraming gulay”
masayang sambit ni Liza “Oo naman, ang mga kabataan ang nagsipag- tanim niyan,
tuwing Sabado at bakasyon diyan kami abala at ang mga ina naman na nasa tahanan
ang tulong-tulong na nagdidilig
araw-araw. Ang mga kabinataan ay katuwang naman ng mga ama sa pagtatag ng Bantay bayan at salitan silang rumoronda
gabi-gabi upang mapanatili ang kapayapaan sa ating pamayanan.” kwento ni Lito.
“ Tamang-tama Sabado bukas at anihan ng gulay sumama ka sa amin at mag-aani tayo, matapos ang pag-ani ng mga kabataan, ito ay kanilang hahati-hatiin ayon sa pangangailangan ng pamilya at ihahatid sa bawat tahanan” wika ni Lito. Dumating na ang araw ng bukas, masaya silang nag-ani at nagbahay- bahay upang ipamahagi ang inaning gulay.
Panuto: Sagutin ang mga
sumusunod na tanong:
1.
Ano
ang kabutihang dulot ng pagtutulungan ng
tao sa kanilang pamayanan?__________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2.
Paano
nakatutulong ang mga kabataan, mga ina, kalalakihan at mga ama upang makamit
ang kabutihan sa kanilang pamayanan?______________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3.
Paano
ipinakita sa kuwento ang paggalang sa indibidwal, pagkakaroon ng katarungan at kapayapaan?________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
Mga Komento