EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-7

HI DEAR GRADE-7.. HETO NA PO ANG MGA READING MATERIALS

 NA KAILANGAN NINYONG BASAHIN.

ISULAT ANG INYONG MGA SAGOT SA NOTE BOOK. 

TANDAAN, GAMITIN NG WASTO ANG PAGGAMIT NG COMPUTER. GOOD LUCK! 

T'MAITA


BASAHIN AT UNAWAIN ANG MGA TANONG SA BAWAT BILANG.

 ISULAT ANG PINAKAANGKOP NA SAGOT SA INYONG MGA NOTEBOOK.


1. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing tungkulin ng isang 
nagdadalaga/nagbibinata sa kanyang sarili maliban sa: 

a. Makabuluhang Paggamit ng mga Hilig

b. Paghahanda para sa pagbuo ng makabuluhang relasyon sa hinaharap 

c. Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan at Wastong Paggamit ng mga ito

d. Pagharap at Wastong Pamamahala sa mga Pagbabago sa Yugto ng 
Pagdadalaga/Pagbibinata

2. ”Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang 
namamatay, para sa sarili lamang”. Ano ang pinakaangkop na pakahulugan 
sa katagang ito?

a. Ang lahat ng tao ay mayroong pananagutan sa kanyang sarili at sa 
kanyang kapwa.

b. Ang tao ay nabubuhay hindi para sa kanyang sarili kundi para sa 
kanyang kapwa.

c. Mabubuhay nang matiwasay ang isang tao kung ipauubaya ng tao ang 
kanyang sarili para sa kanyang kapwa.

d. Hanggang sa huling yugto ng buhay ng tao, mahalagang suriin ang 
kanyang sarili sa kanyang kakayahan na makipagkapwa.

3. Bakit mahalagang tuparin ang tungkulin sa pamayanan? 

a. Mayroong gampanin ang lahat sa kapwa na bahagi ng lipunan.
 
b. Makatutulong ito upang maramdaman na ikaw ay kabahagi ng lipunan. 

c. Magiging ganap lamang ang lipunan kung makikibahagi lahat ng tao sa 
lahat ng pagkakataon. 

d. Mahuhubog ang kakayahan ng tao sa pamumuno kung maglilingkod 
siya sa pamayanan. 

4. Si Jamir ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang 
aso’t pusa sa dalas ng kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama ang 
loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang pagpapalitan ng 
mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Jamir? 

a. Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo. 

b. Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang 
kapatid upang iwasan na itong gawin. 

c. Pag-aralang pakitunguhan ang kanyang kapatid katulad ng pakikitungo 
niya sa ibang kakilala at mga kaibigan. 

d. Maging handa na ipakita ang pagmamahal sa kapatid sa panahong 
kapwa na sila handa na kalimutan ang mga nakaraang pagtatalo. 

5. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa 
tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata?
 
a. Matitiyak ang kaganapan ng pagkatao. 

b. Tataglayin ang kakayahan na harapin ang susunod na yugto ng buhay. 

c. Matitiyak ang tagumpay sa pagharap sa hamon ng pagiging isang 
dalaga/binata. 

d. Magkakaroon ng mga kakayahang kailangan upang maging isang 
magandang halimbawa sa kapwa kabataan. 

6. Wika ng isang manunulat sa pilosopiya, ”Ang isang taong tumatalikod sa 
pananagutan ay maaaring maihalintulad sa isang taong naglalakad ng 
walang ulo.” Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?

a. Ang hindi tumutupad nang matapat sa kanyang mga tungkulin ay 
walang maaaring maipagmalaki kaninoman.

b. Ang kahihiyan na dulot ng di pagtupad sa mga tungkulin ay 
nakababawas sa dignidad ng tao. 

c. Tinatanggal ng kawalan ng pananagutan ang paggalang ng lahat ng 
tao sa pagkatao ng tao. 

d. Maaaring mahusgahan ng kapwa ang taong hindi marunong tumupad 
sa kanyang mga tungkulin. 

7. Ano ng pinakamakabuluhang layunin ng pagiging isang mag-aaral? 

a. Pataasin ang marka 

b. Pagyamanin ang kakayahang mag-isip 

c. Matutunang lutasin ang sariling mga suliranin 

d. Pagkakaroon ng masidhing pagnanais na matuto 

8. Bakit mahalagang tuparin ng tao ang kanyang tungkulin sa kalikasan? 

a. Makikinabang nang lubos ang mga henerasyon na darating 

b. Mapangangalagaan ang kalikasan para patuloy na matugunan ang 
pangangailangan ng lahat ng tao 

c. Maiiwasan ang patuloy na pagkasira ng kalikasan at ang paulit-ulit na 
mga kalamidad 

d. Lahat ng nabanggit 

9. Ano ang pinakamataas na tungkulin ng isang anak sa kanyang mga 
magulang? 

a. Sila ay igalang, mahalin at pagkatiwalaan 

b. Ibigay sa kanila ang nararapat na katumbas ng lahat ng tulong na 
kanilang naibigay. 

c. Ang ilaan ang kanyang hinaharap para sa walang pagdaramot na 
pagtulong sa pamilya 

d. Ang magsilbing isang magandang halimbawa sa kanyang mga kapatid 

10. Mula ng nagdalaga si Jasmin ay palagi na silang nagkakaroon ng hindi 
pagkakaunawaan ng kanyang ina. Madalas na sumasama ang kanyang 
loob sa tuwing siya ay napagsasabihan at napagbabawalan sa mga bagay 
na alam niyang hindi na nararapat na pakialaman ng kanyang ina. Ano 
ang pinakamatuwirang magagawa ni Jasmin? 

a. Kausapin ang kanyang ama upang sabihin sa kanyang ina ang 
kanyang saloobin. 

b. Gumawa ng paraan upang mabuksan ang maayos na komunikasyon 
at pakikipag-ugnayan sa kanyang ina. 

c. Ibahagi na lamang sa kanyang mga kaibigan ang kanyang sama ng 
loob at matapos ito ay kalimutan na ang sama ng loob. 

d. Palaging isaisip na bilang anak kailangan niyang sumunod sa kanyang 
magulang sa lahat ng pagkakataon dahil sila ang nakatatanda 










Mga Komento

Sinabi ni Unknown
answer key pls :)
Sinabi ni Unknown
Answer key pls
Sinabi ni Unknown
Answer key please😊
Sinabi ni Unknown
Answer key please

Mga sikat na post sa blog na ito

Ano ang kahulugan ng lipunan?:Paano makakamit at mapapanatili ang kabutihang panlahat? ESP 9 Lecture 1

MODYUL4:WEEK 8 LIPUNANG SIBIL, MEDIA AT SIMBAHAN

WEEK 7 : EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO-9 : LIPUNANG SIBIL