Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Abril, 2021

QUARTER 3: WEEK 5 AND WEEK 6

 KASIPAGAN, PAGPUPUNYAGI AT PAGTITIPID Ang isang gawaing na may kalidad ay mahirap maabot kung hindi mo ito lalakipan ng kasipagan, pagpupunyagi at pagtitipid.  Sa araling ito, naghanda ang guro ng mga gawain kung saan iyong mailalahad ang mga karanasang nakapagpakita ka ng mga nabanggit na birtyu sa paggawa at ng wastong pamamahala sa naimpok.  Kaya nga, halina, at sikapin mong maipamalas ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:       12.1 Natutukoy ang mga indikasyon ng taong masipag, nagpupunyagi sa paggawa, nagtitipid at pinamamahalaan ang naimpok.       12.2 Nakagagawa ng journal ng mga gawaing natapos nang pinaghandaan, ayon sa pamantayan at may motibasyon sa paggawa.       12.3 Napatutunayan na:             a. Ang kasipagan na nakatuon sa disiplinado at produktibong gawain na naaayon sa itinakdang mithiin ay kailangan upang umunlad ang sariling p...

QUARTER 3: WEEK 3-4 APRIL 5-14, 2021

 ASYNCHRONOUS CLASSROOM MAHUSAY NA GAWA, SA ORAS NA ITINAKDA Sa araling ito, kailangang makapaghanda ka ng talaorasan (timer) para sa mga gawaing iyong sasagutan at ang iyong class schedule sa ikawalong baitang upang masagot ang isa pang gawain. Pag-aaralan mo kung paano mo ginugugol ang iyong oras at kung ang naging bunga ng iyong paggawa ay may kagalingan. Hangad ng guro na malinang sa iyo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa sa pag-usad mo sa araling ito:  11.1 Natutukoy ang mga indikasyon na may kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kaakibat ang wastong paggamit ng oras para rito  11.2 Nakabubuo ng mga hakbang upang magkaroon ng kalidad o kagalingan sa paggawa ng isang gawain o produkto kasama na ang pamamahala sa oras na ginugol dito  11.3 Naipaliliwanag na kailangan ang kagalingan sa paggawa at paglilingkod na may wastong pamamahala sa oras upang maiangat ang sarili, mapaunlad ang ekonomiya ng bansa at mapasalamatan an...