Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Agosto, 2013

Paunang Pagtataya- IKALAWANG MARKAHAN

PANUTO:-) BASAHIN NG MABUTI AT SAGUTAN.   TAKDANG ARALIN #2 1. Ang paghahanap ng isip sa kanyang tunay na tunguhin ay hindi nagtatapos. Ang pahayag ay: a. Mali, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao b. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi perpekto, mayroon itong hangganan c. Tama, dahil hindi katulad ng katawan, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga d. Mali, dahil kapag naabot na ng tao ang kanyang kaganapan ay hihinto na ang kanyang paghahanap sa kanyang tunay na tunguhin 2. Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa patuloy na pangungulit nito at panunumbat. Nang ipatawag ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw na nararapat na sisihin. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na ito? a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto nito para sa sarili. b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayaha...